KC nawala sa sarili
Naging malaking tagumpay ang idinaos na 6th Golden Screen Awards ng Entertainment Press Society, Inc. (Enpress) noong Huwebes sa Metro Bar.
Maaga pa lang ay puno na ang venue ng mga nominees at nanalong mga artista tulad nina Gloria Romero, Boots Anson Roa, Robert Arevalo, Celia Rodriguez, Mark Herras, at iba pa.
Magagaling ang mga hosts na sina Boy Abunda, Eugene Domingo at BB Gandanghari.
Tumanggap ng Gawad Lino Brocka Lifetime Achievement Award si Anita Linda kung saan sa edad na 83 ay matatas pa rin itong magsalita sa kanyang acceptance speech at malinaw pa ang mga mata.
Isang sorpresa ang pagkapanalo ni KC Concepcion ng award sa breakthrough performance by an actress para sa pelikulang For the First Time katambal si Richard Gutierrez. Hindi magkandatuto sa pagsasalita at pagpapasalamat ang magandang aktres dahil sa pagkapanalo for the first time din.
Nagbiro nga ang komedyanteng si Eugene na parang nawala sa sarili si KC dahil imbes na si direk Joyce Bernal ang isa sa pinasalamatan ay nasabi nitong Joyce Jimenez kaya nagtawanan ang mga tao. Inihandog din niya ang award sa mga taong sumuporta sa kanya gayundin sa mga magulang na sina Sharon Cuneta at Gabby Concepcion na narun sa affair.
Hanggang sa matapos ang affair ay narun pa rin si KC na parang nasa cloud nine.
* * *
Speaking of Gabby, malakas pa rin ang karisma nito sa mga tao at sinalubong siya ng malakas na palakpakan nang tawagin ang pangalan kung saan hinarana si Ms. Romero na nanalong best actress for Fuschia. Guwapung-guwapo pa rin ito at kinikilig ang ibang mga bisita.
Sinabi ni Glo na hindi niya sana tatanggapin ang offer na Fuschia kundi sa pakiusap ng anak na si Marites Gutierrez.
“Nagpapasalamat naman ako dahil kahit 75 years old na ay nadadagdagan pa rin ang kanyang trophy,’’ ani ng anak.
* * *
Wala si Baron Geisler sa awards night na nanalo sa kategoryang best performance by an actor in a leading role (drama) para sa Jay. Ginampanan nito ang role ng isang bading na segment producer. Wala si Baron at ikinumpisal nang tumanggap ng kanyang award na sana’y si BB Gandang Hari o Rustom Padilla nun ang personal choice nila. Pero hindi natuloy dahil sa pagbabagong anyo ng aktor.
Nagbiro nga si Eugene na kung natuloy ito at si Rustom ang gumanap ng karakter ay siya sana ang papanhik ngayon sa stage para tanggapin ang award.
- Latest