Gloria Romero naka-best actress sa pagmumura at pag-alog ng boobs

Mamayang gabi ang Manila reception ng wedding nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo sa Le Souflé Restaurant sa Rockwell, Makati City. Ang mga imbitado ay ang mga kaibigan sa movie industry na hindi nakasama sa reception pagkatapos ng church wedding nila noong April 30 sa San Juan, Batangas.

Nagulat kami nang malamang imbitado si Piolo Pascual dahil alam nating hindi man kaaway ng mga bagong kasal ang aktor, hindi rin siya kasama sa cirle of friends ng bagong kasal. Hintayin na lang natin ang balita kung makakarating nga ba si Piolo sa reception.

Ilan pa sa imbitado ay ang mag-asawang Claudine Barretto at Raymart Santiago, Diether Ocampo, Derek Ramsay, direk Rowell Santiago, Iza Calzado, Rhian Ramos, Marvin Agustin, at ang buong tropa ng mga taga-Eat...Bulaga sa pangunguna nina Tito at Vic Sotto, at Joey de Leon. Imbitado raw sa Batangas reception si Jolina Magdangal pero hindi ito nakarating.

Samantala, nag-react ang fans nina Judy Ann at Ryan sa naging comment ni Willie Revillame sa Wowowee na baka magbayad ng P5 million ang show dahil sa pagbibigay ng details sa naging church wedding ng dalawa. Nagtanong pa raw si Willie kung bakit inilihim ang kasal ng dalawa.

Anyway, may paliwanag na ang mga bagong kasal sa bagay na ito at hindi na dapat ulit-ulitin. At least, naipakita nina Judy Ann at Ryan na kahit nasa showbiz sila, puwede pa ring magkaroon ng solemn wedding.

* * *

Masaya si Gloria Romero sa napanalunang best actress for musical or comedy sa katatapos na 6th Golden Screen Awards ng Enpress para sa pelikulang Fuschia, una sa Sine Direk na ipinalabas. Muntik na niyang hindi tanggapin ang pelikula dahil may mga eksenang hindi pa niya ginagawa, gaya nang pagmumura at pag-alog sa kanyang boobs.

Nagpasalamat si Gloria sa anak na si Maritess Gutierrez na siyang kumum­binse sa kanyang tanggapin ang role ni Mameng. Kailan pa raw siya tatangap ng ganung role, ‘pag 93 years old na siya? Hindi nagkamali si Maritess at si Gloria.

Showing pa ngayon ang Fuschia sa SM Megamall, MOA, SM North Edsa, SM Bacoor, SM Fairview, Ali Mall, Cinerama, Metro East, Sta.Lucia, Robinsons Galleria at Novaliches.

Nanalong best actor si Eddie Garcia for Fuschia at ito rin ang nanalong best movie musical or comedy.

Sayang at hindi nakarating si Eddie to accept his award dahil maaga ang flight for Borneo.

* * *

Tumataginting na P500 million ang budget for advertisement ng Philosophy by Mikaela this year. Ito ang na-announce ni Mikaela Bilbao sa pinakahuli niyang presscon pero ipinaliwanag nitong hindi niya solong pera ang nabanggit na halaga, kundi galing sa stockholders.

Kaya bukod kina Ruffa Gutierrez, Pops Fernandez at Rufa Mae Quinto, kinuha niya sina BB Gandanghari, Nadia Montenegro at isang sikat na actor na bagong endorsers. Ipakikilala sila sa re-launching ng Philosophy by Mikaela isa sa mga araw na ito.

Nabasa namin ang interview kay Mikaela na lumabas sa isang broadsheet at ikinuwentong lumayas siya sa kanila noong 13 years old siya at 16 years na silang hindi nag-uusap ng kanyang ina. Kaya ang tanong namin kay Mikaela ay hindi ba malungkot sa itaas dahil hindi niya ka-share ang kanyang pamilya sa kanyang success?

“No, it’s not lonely, it’s peaceful and peace is very, very hard to find,” sagot nito.

Matutuwa pala si BB Gandanghari kay Mikaela dahil “she” at “her” kung tukuyin siya nito. Naniniwala rin si Mikaela na unfair kay BB ang ginawa ng Aruba management na hindi pagpapasok sa kanya sa bar dahil babae raw ang dating Rustom Padilla.               

Show comments