MANILA, Philippines - Seen : Ang makabalik sa Bubble Gang ang next step ni Ara Mina. Nami-miss na ni Ara ang gag show na kanyang iniwan noon nang lumipat siya sa ABS-CBN. Buhay na buhay ang pag-asa ni Ara na ibabalik siya sa Bubble Gang dahil nabigyan uli siya ng mga show sa GMA 7.
Scene : Mataas ang rating ng Dapat Ka Bang Mahalin kesa Paano Ba Ang Mangarap. Talo na ng popularidad ng loveteam nina Aljur Abrenica at Kris Bernal ang loveteam nina Mark Herras at Jennylyn Mercado.
Ayaw nang kagatin ng mga tao ang mga gimik ni Jennylyn.
Seen : Photography ang bagong hilig ni Jolina Magdangal.
Nagbabalak siya na magkaroon ng exhibit ng mga litrato na kanyang kinunan.
Scene : Ang balita na hindi susuportahan ng ilang kamag-anak ni Cesar Montano ang kandidatura niya sa Bohol sa susunod na taon.
Maging next governor ng Bohol ang target ni Cesar.
Seen : Si KC Concepcion ang nanalo ng Breakthrough Performance by An Actress sa 6th Golden Screen Awards ng Entertainment Press Society.
Nanalo si KC para sa For The First Time.
Scene : Nanalo sa 6th Golden Screen Awards sina Gloria Romero at Eddie Garcia ng Best Motion Picture-Musical or Comedy, Best Performance by an Actress in a Leading Role-Musical or Comedy at Best Performance by an Actor in a Leading Role-Musical or Comedy, respectively.
Nanalo ang mga beteranong aktor para sa indie movie na Fuschia. Showing pa rin sa mga sinehan ang Fuschia.
Seen : Dalaw ang title ng unang indie movie ni Katrina Halili. Horror movie ang Dalaw.
Scene : Ang inaasahan na pagkikita nina Annabelle Rama at Wilma Galvante sa Las Vegas.
Parehong manonood sina Annabelle at Wilma ng laban nina Manny Pacquiao at Ricky Hatton.