Tadyang... ending na
MANILA, Philippines – Ngayong Biyernes, isang di malilimutang pagtatapos ang mapapanood ngayong gabi sa umaatikabong aksyon at drama sa huling gabi ng Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang sa GMA-7.
Matindi ang naging laban nila Homer (Dingdong Dantes) at Proserfina (Marian Rivera) para sa kanilang wagas na pag-iibigan. At sa bawat plano nila na magkasama at magkaroon ng isang tahimik na buhay, andiyan ang mga kontrabidang sina Rado (Paolo Contis) at Heleen (Angelu de Leon) para sila paghiwalayin o patayin.
Si Rado ang malupit na lider ng sindikato na naniniwalang sa kanya lang dapat si Proserfina. Tutol siya sa kasal kaya tumakas si Rado sa kulungan at hinostage niya ang pamilya ni Homer upang makuha o mapatay si Proserfina. Pero nanaig ang mabuti sa kasamaan dahil napatay si Rado at ang mga tauhan nito kagabi.
Huwag palagpasin ang makapigil-hiningang pagtatapos ng Carlo J. Caparas’s Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang ngayong gabi sa GMA Telebabad.
- Latest