Janno pina-pirate pa rin ng ABS-CBN?

Ang papayatin si Nadia Montenegro ang next project ni Mikaela Bilbao ng Mikaela Advanced Aesthetic Center.

Patutunayan ni Mikaela na magagawa niya na maba­wasan ang timbang ni Nadia at patutunayan niya na may pag-asa pa ang ‘healthy’ clients ng kanyang beauty at wellness clinic, mapa-babae man o lalake.

Pasusukatan ni Mikaela ang katawan ni Nadia, linggu-linggo para makita ang development, ang kanyang unti-unting pagpayat na hindi kailangang gamitan ng liposuction o operasyon.

Ipinagmamalaki ni Mikaela na isang client na hindi artista ang pumayat nang husto dahil masyadong effective ang slimming machine ng kanyang beauty clinic.

Eh perfect model si Nadia sa mga malulusog na kliyente na pumayat dahil sa kanilang religious na pagpunta sa mga clinic ng Mikaela.

Pormal na bubuksan ang Sgt. Esguerra , Quezon City clinic ni Mikaela sa May 15. Naghahanap pa si Mikaela ng ibang lugar na puwedeng pagtayuan ng mga branch ng kanyang clinic dahil siya ang lalapit sa mga kliyente. Ayaw ni Mikaela na napapagod sa pagpunta sa Makati clinic ang mga pasyente na residente ng Quezon City.

Invited sa formal opening ng Mikaela Advanced Aesthetic Center sa Quezon City ang mga sikat na celebrity endorser.

* * *

Ano kaya ang magiging eksena kapag nanood sa laban nina Manny Pacquiao at Ricky Hatton ang dalawang kontrobersyal na personalidad?

Hindi ko muna babanggitin ang kanilang mga name pero malaki ang posibilidad na magkita sila sa Las Vegas.

Kahit malaki ang venue ng boxing match nina Manny at Ricky, magiging maliit ito sa mga perso­nalidad na talagang pinag-uusapan ang mga sariling laban.

Abangan n’yo na lang sa Linggo ang laban nina Manny at Ricky dahil siguradong mababanggit ang name ng mga personalidad na tinutukoy ko.

* * *

Wala akong maisagot sa nagtatanong sa akin kung totoo na pina-pirate si Janno Gibbs ng ABS CBN.

May bagong game show si Janno sa GMA at siguradong sasagutin niya ang isyu kapag humarap na siya sa mga reporter.

Secret pa yata ang title ng bagong game show ni Janno pero mapapanood ito tuwing Linggo. Ang game show ang ipapalit sa mamamaalam na Sunday show ni Paolo Contis, ang My Dad Is Better Than Your Dad!

Show comments