MANILA, Philippines - Yup, nagtagumpay sina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo kahapon. Pawang mga kamag-anak lang nila at super malalapit na kaibigan ang dumalo at naging witness sa kanilang kasal na ginanap sa isang private resort sa Batangas.
Pero marami ang nagulat na hindi naimbita ang masasabing ‘mother’ nina Juday at Ryan, si Mother Lily Monteverde na nagbigay ng break kay Juday sa pelikula noong nag-uumpisa pa lang siya at kay Ryan ng launching movie kamakailan lang.
Si Judy Ann ay sa Regal Films unang nagka-pelikula - Sana Naman na runaway winner noong 1996.
Samantalang isang solo movie, My Kuya’s Wedding (comedy romance) ang ibinigay ni Mother Lily para kay Ryan.
Actually, nagulat lang ang maraming taga-showbiz na hindi imbitado ang Regal Matriach sa nasabing kasalan.
Anyway, additional info sa kasalang Juday at Ryan – the march started with Sharon (Cuneta) na sinundan ni Yohan (daughter ng bagong kasal) at ang bride.
On the other end na malapit sa altar ay sina – on the left side – isang line lang sila ng ladies sa pamilya - mom of Ryan, mom of Juday and Jackie, the sister). Habang sa right side – isang linya rin ang kalalakihan – dad of Ryan, dad of Juday Dondee and Jeffrey Santos). (SVA)