MANILA, Philippines - Seen : Ang kasal nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo sa San Juan Nepomuceno Church sa San Juan, Batangas. Alas-siyete ng umaga ang oras ng kanilang kasal.
Si Fr. Tito Caluag ang officiating priest.
Scene : Mga principal sponsor sa Juday-Ryan church wedding sina Mon Isberto ng Smart Communications at dating co-host ni Ryan sa Mornings@GMA, photographer Bien Bautista, Suzi Entrata- Abrera, ang bestfriend ni Ryan, ang uncle ni Ryan na si Benjie Gonzales, Director Rory Quintos at Jane Buencamino, ang road manager ni Juday.
Seen : Si Sharon Cuneta ang matron of honor at Bestman si Dondi, ang kapatid ni Ryan.
Sina Regine Velasquez at Ogie Alcasid ang kumanta ng The Prayer sa Offertory.
Scene : Ang sulat na ipinadala ng ABS-CBN sa GMA 7 na sila ang may hawak ng exclusive rights sa kasal nina Ryan at Judy Ann.
Seen : Tsinelas ang ipinadalang imbitasyon nina Ryan at Judy Ann sa kanilang mga imbitadong bisita. Makukuha ng mga bisita ang kapareha ng tsinelas sa wedding reception na ginanap sa Anilao, Batangas.
Scene : Hindi nailihim nina Judy Ann at Ryan ang araw ng kanilang kasal. Ang Seen/Scene ng PSN ang unang naglabas (naka-SCOOP) ng balita na kahapon ang petsa ng kanilang pag-iisang-dibdib.
Sinadya ng SEEN/SCENE na huwag isulat ang kumpletong detalye ng kasal bilang paggalang sa kahilingan ng bagong kasal na maging pribado ang importanteng araw sa buhay nila.
Seen : Pinupuri sina Ryan at Juday dahil natupad ang kanilang kagustuhan na maging pribado ang pagpapakasal nila.
Hindi naging circus ang kanilang altar date.
Scene : Ang Corporate Communications ng ABS-CBN ang namahagi sa entertainment press ng mga litrato na kuha mula sa Santos-Agoncillo nuptials.
Si Patrick Uy ang official photographer.