Juday-Ryan wedding ngayon na!

SEEN:

Ngayong araw ang kasal nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo sa isang bayan sa probinsya ng Batangas.

SCENE: Negatibo ang feedback sa Wowowee appearance nina Senator Mar Roxas at Korina Sanchez.

Pinagbibintangan si Roxas ng pamumulitika sa TV variety show.

SEEN: Hindi na masyadong binabasa ang mga artikulo tungkol kina Pops Fernandez at Martin Nievera, Nadia Montenegro at Gretchen Barretto.

Sawa na ang mga readers sa mga lumang isyu na binu­buhay nila.

SCENE: Nega si Jennylyn Mercado dahil sa kanyang sinabi na mapupunta sa trust fund ng anak niya ang kikitain ng kanyang coffee-table book.

Kinaiinisan si Jennylyn dahil ginagamit niya sa pub­licity ang anak nila ni Patrick Garcia.

SEEN: Ibinibigay pa rin ng ABS-CBN kay Rose Flaminiano ang komisyon nito bilang dating manager ni Gabby Concepcion.

Pinahahalagahan ng ABS-CBN ang kasunduan nila ng ex-manager ni Gabby.

SCENE: Ang Adik sa ‘Yo ang ipapalit sa timeslot na mababakante ng Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang. Sina Marvin Agustin, Jolina Magdangal, Jennica Garcia at Dennis Trillo ang mga bida sa Adik sa ’Yo.

Nagre-react ang manager ni Dennis kapag sinasabi na sina Marvin at Jolina lang ang mga bida sa bagong primetime TV show ng GMA 7.

SEEN:  Ang balita na malamig na ang pakikitungo kay Jake Joson ni Jinkee Pacquiao at ng ilang tao na nakapaligid kay Manny.

Si Jake ang dating aspiring actor na member ng entourage ni Manny.

Show comments