Pag naiinis sa ginagawa, TV monitor sa set binabato ni Sunshine

Mark Fernandez, Alfred Vargas, nag-upakan! Siyempre, hindi ito sa totoong buhay kundi bahagi ng isang eksena sa isang teleserye na kanilang pinag­sasamahan, ang All About Eve, na personal kong napanood ang taping nung Sabado.

It was also one of the rare times na naimbita akong mag-guest sa TV para gampanan ang role na role ko talaga sa totoong buhay, ang pagiging isang entertainment writer. Pero sabi ko nga sa mga kapatid ko sa hanapbuhay na nakasama ko sa taping (Linda Rapadas, Ron Romulo, Glen Sibonga at Butch Roldan), buti na lang hindi ako pretty, ‘di ako puwedeng mag-artista, ‘di ko carry ang maghintay ng matagal para makunan ng eksena sa isang taping o shooting. Pinaka-matagal ko na ang tatlong oras para makagawa ng dalawang column sa isang araw, which I do conveniently in the wee hours of the morning dahil insomniac ako.

Ang encouraging, parang ilang minuto lang tapos na ang dalawang eksena namin, ‘yung una kasama si Sunshine Dizon, ‘yung pangalawa, with Jean Garcia naman. Paano ang gagaling ng dalawang aktres, madaling kumabisa ng script. Si Sunshine, ni walang dialogue, puro facial expressions lang, tapos na. Si Jen tatlong pasada lang sa script, okay na.

Early in the morning, maaga ako sa set kaya na-witness ko ‘yung bakbakan scene nina Alfred Vargas at Mark Anthony Fernandez. Bayolente ang eksena, bukod sa suntukan may sakalan, tadyakan, may natutumba, sumasadsad sa sahig pero, nakatutuwang walang nasasaktan, walang suntok o sipa na tumatama, pero ang lalapit ng mga kamay at paa sa mukha at katawan ng nag-aaway. Gahibla lamang at tatamaan ng bawa’t isa ang kalaban nila. Ang galing! Lalo na ang dalawang fight instructor na umaalalay sa dalawang aktor.

Ewan ko pero hindi ko na nakita si Alfred makatapos ang eksena nila ni Mark, pero si Mark hanggang sa makaalis ako ng gabing ‘yun ay nasa set. Nagawa pa nitong magpa-interview sa amin at madalas nakikita ko itong masayang nakikipag-tsikahan sa mga tao behind the cameras.

Si Sunshine, super galing na talaga. Talagang ini-effort niya na mapagaling ang pagganap niya bilang Erika. At hindi siya worried sa sobrang pagiging masama ng character niya.

 “Alam na ng audience what is real and what is not.

 “Ang dami ngang nagsabi sa akin na hindi nila alam kung iiyak sila o magagalit sa kanya. Besides, nakakarinig ako ng maraming good comments about my portrayal of Erika, happy na ako sa aking performance,” ani Sunshine na kahit mortal enemies sila ni Iza Calzado sa series ay never naapektuhan ng kanilang mga roles ang friendship nila.

“Sabi ko sa mga fans ‘wag nilang dibdibin ang pag-aaway namin, what’s important, we give our best, hindi kami nagsasapawan. Pero alam n’yo ba, minsan naiinis din ako kay Erika, kapag nakakatapos ako ng scene, binabato ko ng tissue ang TV monitor sa set,” pagtatapat ni Sunshine.

 Maraming linggo pang tatakbo ang series. Kung ang mga artista at crew ang tatanungin mo, gusto nilang ma-extend pa ang series dahil ang ganda-ganda ng samahan nila, para talaga silang isang pamilya. Napakabait din ng tumatayong ama nila sa set, ang direktor ng series na si Gil Tejada na siyang kumokol madalas ng shot bagaman at may co-director ito, si Mac Alejandre na abala rin naman sa Totoy Bato.

* * *

Mukhang seryoso na sina Paolo Contis at ang girlfriend nitong si Lian Paz. Magkasama silang nag-attend ng grand launch sa Teatrino Greenhills ng Sine Direk at proud ang aktor na ipakilala ito sa lahat.

* * *

Kahit medyo malayo pa, mukhang magiging masaya ang darating na Metro Manila Film Festival ’09 para sa Star Cinema. May plano itong movie na magtatampok kina AiAi delas Alas at Willie Revillame pero, at the same time, nakakasa na rin ang movie ni AiAi with former president Joseph Estrada. Isa lamang ang dalawang ito ang puwedeng maging entry ng Star Cinema. Abangan na lang natin what film will finally make it sa nasabing Pista ng Pelikulang Pilipino.

Show comments