^

PSN Showbiz

Lovelife ni Richard inaarbor

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Suportado ng kanyang pamilya at co-talents ng Royale Era Entertainment ang launching ng Gutz & Glory cologne at ini-endorse na Slim Tee Richard Gutierrez para sa Bench. Very proud sina Annabelle Rama at Eddie Gutierrez noong nasa stage ng centerstage ang actor at pinasasalamatan sila, his siblings, his fans, co-talents at Mr. Ben Chan. 

Nagpapasalamat si Richard na hindi naapektuhan ng controversy ang pagiging actor at pagiging endor­ser niya. Wala raw siyang ginagawang masama kaya kahit may mga taong gusto siyang pabag­sakin, blessings ang bumabalik sa kanya.

“Hindi ako sanay na may mga taong naninira sa akin. I understand part ito ng business at lahat ng artista dumadaan sa ganitong phase. This is one obstacle I have to overcome.”

Hindi na masyadong nag-comment sa kaso niya laban sa PEP at sa kaso ng inang si Annabelle Rama at Ms. Wilma Galvante. Tingnan na lang daw kung saan ito hahantong at ano ang magiging ending ng mga nabanggit na kaso. Gusto lang niyang malaman kung sino ang nasa likod nang paninira diumano sa kanya.

“Nothing personal with PEP, pero wala akong magagawa but to protect my name. Sa kaso naman ng mom ko at Ms. Wilma, it makes me work hard and more focus. Hindi pa rin kami nakakapag-usap ni Ms. Wilma,” pahayag ni Richard.

Sinubukan ng press na tanungin si Richard sa kanyang lovelife, pero “sa akin na lang ‘yun” at “ibalato n’yo na lang kung sinuman ang dini-date ko, pero meron.”

Manghula na lang kayo!

* * *

Ang ganda nang nasaksihan naming eksena sa storycon ng Adik Sa ‘Yo, ang rom-com series ng GMA-7 na papalit sa Ang Babaeng Hinugot Sa Aking Tadyang. Noong una, sina Marvin Agustin at Jolina Magdangal lang ang sweet-sweetan na magkatabi at nagbubulungan.

Nang dumating si Pauleen Luna, nag-beso sila ni Marvin at nag-beso rin sila ni Jolina at nakita rin naming magka-usap ang actor at ang mommy ni Pauleen. Naispatan din naming nag-uusap sina Marvin at Pauleen na parang hindi sila nagkaroon ng “word war” dati after their break-up.

Sa May 5, ang start ng taping ng ASY sa direksyon ni Joel Lamangan and this Monday, pictorial na ng buong cast. Ang hindi ma-late sa taping ang ipinakiusap ni direk Joel lalo’t sa Quezon Province, Batangas, Tagaytay at Laguna ang kanilang location.

* * *

Thirteen years old na pala ang daughter ni Keempee de Leon na si Samantha at nag-birthday ang bagets last April 16. Natatakot ang actor dahil may nanliligaw na sa anak, kaya panay ang paalala niya rito at guwardyado ng yaya. Okey lang sa kanya maloko sa computer ang anak, ‘wag lang sa lalake.

Busy pa rin si Keempee sa All About Eve at gusto niya ang twist ng character niyang si Paul na nakikipag-suntukan at nagagalit dahil never niya itong nagagawa ‘pag gay role ang pino-portray. 

Kapag nalibre siya next year, balak ni Keempee na mag-aral ng filmmaking sa States with his brother Jaco. Itutuloy na niya sa filmmaking ang hilig niya sa photography, kaya nagsisimula na siyang mag-ipon dahil madugong kurso ang gusto.

* * *

 Kahit walang pelikulang kasali sa Sine Direk Series si direk Tony Reyes, busy pa rin ito dahil siya ang president ng Directors’ Guild of the Philippines na nasa likod ng SDS with APT Entertainment at may gagawin siyang pelikula.

Sa May 18, sisimulan ni direk Tony ang shooting ng LOL o Laugh On Line na bida si Vic Sotto kapareha ang VJ at model na si Paula Taylor. Sa May 27, naman ang first day shooting ni Paula, pero dahil darating ito ng bansa to shoot for a commercial, baka ipa-presscon siya ng M-Zet Films.

Sa Singapore based ang bagong leading lady ni Vic na sabi ni direk Tony, bagay sa role ng girl na makaka-chat ni Vic. Posible rin daw madagdag sa mainstay ng Eat…Bulaga ang dalaga. 

vuukle comment

ADIK SA

ALL ABOUT EVE

ANG BABAENG HINUGOT SA AKING TADYANG

ANNABELLE RAMA

BEN CHAN

KEEMPEE

LANG

MS. WILMA

SA MAY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with