Mabuti naman at dumarami na ang projects ni JC Tiuseco. Nalalapit na kasi ang second season ng Pinoy Survivor. At least mabibigyan ng encouragements ang marami na sumali. Hindi lamang naman ang milyun-milyong pisong gantimpala ang dapat magsilbing incentive sa marami na sumali, kundi ang pagkakataong maging artista rin at makilala sa larangan ng local entertainment.
* * *
Bakit kaya sikretong-sikreto ang magaganap na kasalan between Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo? Maski ang mother ni Juday na si Mommy Carol ay halos ayaw magsalita o magbigay ng detalye sa kasal ng dalawa.
Except for the fact na mayroon na siyang damit na magagamit.
Except for the date and hour of the actual ceremony na puwede nilang ilihim para maiwasang hindi magmistulang sirkus ang napaka-sagradong pangyayari, siguro naman hindi makasisira sa kasalan kung magsasabi sila ng kahit ilang mga detalye na puwedeng makaalis ng pananabik hindi lamang ng mga tagahanga nila kundi maging ng public in general.
Tuloy kung anu-anong ispekulasyon ang lumalabas dahil ipinaglilihim nila at ginagawang isang malaking pahulaan ang magaganap na kasalan. Gusto ko tuloy maniwalang nagagamit ang kasalan na promo para sa kanilang bagong TV series at pelikula na rin. Huwag naman!
* * *
Ang dami nang nag-aabang na makita si Marian Rivera na nakasuot ng Darna costume. Ang seksi-seksi raw siguro nito.
Oo naman, kung naseksihan kayo nang mag-bikini ito sa Marimar, mas lalo na ngayong Darna siya.
Isa pang malaking katanungan ng marami ay kung sino ang makaka-partner niya sa series. Si Dingdong Dantes ba raw? O ang nababalitang si Mark Herras?
Tanong din ng marami kung ang Darna raw ba ni Marian ay ‘yung unang planong Darna ng GMA na kung saan ay makakasama nito si Captain Barbell? Sino raw ba ang gaganap ng Captain Barbell?
Naku ang dami-rami namang mga katanungan na hindi ko kayang sagutin. Puwede bang sagutin ito ng GMA7?
* * *
Attended the Sine Direk grand launch last Friday. Sinamahan ko ang alaga kong si Jake Vargas na kasama sa cast ng Litsonero, ang pelikula ni Lore Reyes at nagtatampok kay Paolo Contis sa title role. Pinaka-unang acting project ito ni Jake kaya excited siya bagaman at ngayon ay regular na siyang napapanood sa Dapat Ka Bang Mahalin sa Dramarama sa Hapon ng GMA 7 bilang kapatid ni Kris Bernal at anak ni Mariz.
Ang ganda ng ginawang presentasyon ng DGPI/APT ng anim na pelikulang kasali sa Sine Direk. Ang anim na direktor ang nagkuwento ng kanilang mga pelikula (Joel Lamangan, Mel Chionglo, Lore Reyes, Peque Gallaga, Maryo J. delos Reyes at Soxie Topacio), kung paano ginawa ang mga movies nila at ang mga problemang kinaharap nila habang ginagawa ito.
Ilan sa mga pelikula ay halaw sa tunay na buhay. Tulad ng Ded na si Lolo na kuwento ng isang tiyahin at pamilya ni Soxie. Tunay na pangyayari rin ang Kamoteng Kahoy ni Maryo J. tungkol sa pagkakalason ng maraming bata sa kanyang lalawigan ng Bohol dahil sa pagkain ng kamoteng kahoy.
Ang Fuschia naman ay totoong kuwento ng lola ni Joel Lamangan at ang natitirang tatlo pa (Bente, Agaton & Mindy at Litsonero) ay kathang isip nina Chionglo, Gallaga at Reyes.
Panoorin ninyo ang lahat ng pelikula. Bukod sa magaganda ito ay malaki pa rin ang maitutulong n’yo sa pagpapaaral ng mga anak ng ilang manggagawa sa pelikulang Pilipino na wala nang kakayahang papag-aralin ang kanilang mga anak dahil sa paghina ng pelikulang lokal.