Offer na kasal ni Luis kay Angel katuwaan lang
Naging makabuluhan ang birthday celebration ni Angel Locsin na idinaos sa Balay Kalinaw sa University of the Philippines kung saan halos dalawang daang katao ang dumalo sa pangunguna ng Gabriela. Advocacy ni Angel na masugpo ang domestic violence o karahasan sa mga kababaihan.
Tipong educational ang programa dahil tinalakay ang women empowerment na napapanahon ngayon. Naidaos na ng aktres ang kanyang nakaraang Kapaskuhan at kaarawan kasama ang mga bata mula sa Cribs, Kairos at Payatas communities.
Pinaka-highlight ng programa ang pagbibigay ni Angel ng scholarship sa apat na kabataang kababaihang survivors ng Violence Against Women o VAW sa pakikipagtulungan sa ABE.
Pagkatapos ng programa ay nakausap na namin si Angel at may nagtanong kung totoo bang nag-propose ng kasal sa kanya ang nobyong si Luis Manzano?
“’Di seryoso ang mga sinasabi ni Luis. Katuwaan lang yun at wala pa kaming planong magpakasal. Mag-aasawa ako ’pag 27 taong gulang na ako. Career muna,” sey nito.
Ngayong 24 na si Angel sinabi nito na natutuwa siya dahil ibang rekado naman ang ibinigay sa kanya ng ABS-CBN, ang Only You, na kaiba sa fantaserye o drama na ginawa nito. Gusto nitong mahasa pa sa pag-arte at maging matagumpay na artista kung saan pangarap ding magkamit uli ng acting award.
* * *
Inaanyayaan ang lahat na panoorin ang mga hot performances mula sa TV 5 celebrities, live tapings ng mga paborito n’yong TV 5 shows, Talentadong Pinoy exhibitions at auditions at cool music jamming kasama ang Moonstar 88 at Parokya ni Edgar.
Sa May 1 na magpapa-hot summer party ang pangalawang TV5 Live Caravan sa SM Mall of Asia mula 10 a.m. hanggang 12 midnight. Admission is free.
* * *
Si director-producer J.J. Abrams ay may malaking respeto sa lumikha sa seryeng Star Trek na si Gene Roddenberry at lahat na nagawa ng seryeng ito ay nagbigay sa mundo ng cult phenomenon.
Sa mahigit na 40-taong kasaysayan nito, kung saan iba’t ibang henerasyon na ang nakakakilala, ang Star Trek ay umukit ng kanyang kinalalagyan sa ating kulturang modern pop at siya lamang tuluy-tuloy na istorya na punumpuno ng paghanga, pagtataka at matapang na paghahangad na makarating ang tao sa mga bituin sa kalangitan.
Ang cast ng Star Trek ay binubuo ng mahuhusay na mga artistang sina Chris Pine (Capt. James T. Kirk) Zachary Quinto (TV’s Heroes) Karl Urban (Bones), Simon Pegg (Scotty), Zoe Zaldana (Uhura), John Cho (Sulu), Winona Ryder (Amanda Grayson) at Eric Bana (Nero).
Palabas na ito sa May 8 at ipinamamahagi ng United International Pictures sa pamamagitan ng Solar Entertainment Corporation.
- Latest