Magandang balita! Bibigyang katuparan ng ABAKADamayan ang pangarap ng mga mambabasa na nagnanais makapagtapos ng high school at gustong magkaroon ng diploma.
Dahil dito, inaanyayahan ng ABAKADamayan ang lahat ng interesado na edad 20-60 anyos na magpatala para sa muling pagbubukas ng klase ngayong 2009-Batch 7.
Magsadya at magparehistro lamang sa tanggapan ng STAR Group of Publications sa Roberto Oca cor. Railroad Sts., Port Area, Manila. Nagsimula ang enrollment noong Abril 16, 17, 23 at 24 at ang susunod ay sa Abril 29 at 30, 1-5 ng hapon.
Magdala ng mga sumusunod: Kopya ng birth certificate; orihinal na kopya ng barangay certificate at apat na piraso ng 1X1 ID picture.
Ang Abakadamayan ay isang non-formal school na bahagi ng Bureau of Alternative Learning System ng Department of Education. Ito ay nasa ikapitong taon na at isa sa mga proyekto ng Operation Damayan, ang social arm ng Star Group of Publications – The Philippine Star, Pilipino Star Ngayon, Pang-Masa at Freeman.