Madagascar at mga scary movies sa libreng sine

Malalaking adventures ang nakahain ngayong linggo sa mga fun and thrill-seeking movie lover dahil hatid ng 5MAX Movies ng TV5 kasama na ang multi-award winning animation na Ma­dagascar, na mapapanood sa TV at sa big screen through the station’s special 5MAX Barangay libreng pa-sine offer sa buong buwan ng Mayo.

Sa Lunes (April 27), si Johnny Depp ang bida sa Stephen King novel-based psychological thriller na Secret Window. Mapapanood naman sa Martes (April 28) ang sci-fi fantasy film na Timeline, base sa novel of the same name by Michael Crichton, author ng Jurassic Park.

Nagbabalik ang mga katatakutan sa sementeryo sa Miyerkules (April 29) sa horror sequel na Pet Sematary 2, na base rin sa nobela ni Stephen King. Sa Huwebes (April 30) naman ang The Pledge, isang mystery film based on a 1958 novel, kung saan si Jack Nicholson ang bida.

Tatama sa Earth ang isang strange life form sa Biyernes (May 1), at lalamon nang lalamon ng lahat ng nabubuhay sa kahindik-hindik na pelikulang The Blob. Nakakatuwa at nakakataba ng pusong klase ng adventure naman ang mapapanood sa Sabado (May 2), sa Oscar-winning movie na Babe.

Featured ang boses nina Ben Stiller, Jada Pinkett Smith, Chris Rock at David Schwimmer sa multi-award winning animated movie na Madagascar na palabas sa Linggo (May 3) sa inyong TV screens sa bahay at sa special Barangay screening sa Brgy. Rosario, Pasig City.


Show comments