Cesar Montano may bagong gimik

MANILA, Philippines - Tuloy ang selebrasyon sa The Singing Bee dahil pagkatapos ng matagumpay na unang anibersaryo nito noong Linggo (April 19), simula naman ng bago at mas exciting na The Singing Bee Season 3, ngayong Sabado at Linggo (April 25-26) sa ABS-CBN.

Samahan sina Cesar “Buboy” Montano, ang Bandble Bee ni Mel Villena, Honeybees, at ang Song Bees na sina Frenchie Dy, OJ Mariano, MC Castro, Apple Chiu, at Michael Cruz na may kanya-kanyang bagong pakulo na siguradong mas magpapasaya sa paboritong videoke game show ng bayan.

Kaabang-abang ang mga pag­ba­bago sa programa, tulad ng bagong round na Pics BEE With You, na papalit sa Jumble Bee round. May pagbabago ring magaganap sa The Final Countdown round kung saan mas hihigpit ang labanan para sa P2 milyon jackpot.

Inaasahang mas marami pang magiging milyonaryo at susunod sa yapak nina Steno Padilla, Rachel Alejandro, Aiza Seguerra, Manilyn Reynes at sina Jestoni Alarcon, Jason Abalos at Janus Del Prado ng Team Pieta sa bagong rules ng The Singing Bee Season 3.

Show comments