Sharon nagpapalait kay AiAi

Sa halip na magalit, I’m sure matutuwa ang lahat ng mga Sharonians sa movie ng kanilang idolo with AiAi delas Alas, ang Best Friends Fo­re­ver (BFF) na pang-Mothers’ Day presen­tation ng Star Cinema.

Unang-una, pinayagan ni Megastar na malait siya sa nasabing movie. This is not the first time na pinaglaruan ang katabaan niya. Sa isang film niya with Albert Martinez, isa siyang mahilig mag­luto at mataba rin. Sa BFF, even the trailer will carry her weight issue, nagkaproblema kasi siya ay John Es­trada na gumaganap na asawa niya because of her weight.

Isang napakamaasikasong wife ni Sharon at mapagmahal na ina sa ka­nilang mga anak na ginagampan nina Nash Aguash, Carl Camo, Miles Ocampo. Meron siyang carin­deria. Isa namang gym instructor si AiAi, biyuda, may only child na role ni Empress Schuck. Naging love triangle sila.

Sa kabila ng kanyang status sa pelikula, ’di nga ba Megastar siya? Never nag-inarte si Sharon hindi lamang sa mga ganitong isyu kundi maging sa billing at exposure. Ka­tunayan, dito sa BFF, napaka­dali niyang nag-adjust sa comedy dahil kasama niya sina AiAi at direktor Wenn Deramas.

Sa storycon pa lamang ng movie ay sinabi na niya na all out siya. True enough, naglaitan sila ng husto ni AiAi, siya dahil mataba at si AiAi dahil mahaba ang baba nito. Siguradong matatawa ang mga manonood sa eksenang ito, ang dalawa rin ay tawa nang tawa matapos nilang gawin ang eksena. 

Kasama rin sa Best Friends Forever sina Gina Pareño at Chocoleit.

Hindi totoong kinonsider ng Star Cinema si Gabby Concepcion para sa pelikula. Sa simula pa lamang ay talagang si John Estrada na ang pag-aagawan ng dalawang babae. Meron ding kissing scenes ang dalawa with John, mas torrid ang kay AiAi, siguro dahil siya ang mistress sa pelikula, si Sharon ang wife.

* * *

As of this writing, nakaka-P85M na pala ang T2 nina direk Chito Roño at Maricel Soriano. Mahilig talaga ang Pinoy sa mga horror, kaya naman merong isa pang ginawa ang Star Cinema na dinirek ni Rico Ilarde at nagtatampok naman sa mga kabataang artista ng Star Cinema tulad nina Geoff Eigenmann, Shaina Magdayao at Maja Salvador.

* * *

Isa sa pinakaabalang bituin ng ABS-CBN si Derek Ramsay. Kasama ito sa mga teleseryeng Nasa’n Ka Maruja? at Wedding. May dalawang pelikula rin itong ginagawa,ang isa under Laurice Guillen. Nagkaka­patung-patong na nga ang sked niya. Plus factor ni Derek ang kulay niya. Magaling siyang umarte at maraming roles at leading ladies ang bagay sa kanya.

* * *

Nakalimutan kong pasalamatan kahapon ang dalawa pa sa nagbigay kasiyahan sa taunang outing ng Banuyo Neighborhood Association ng Proejct 3 na sina Val Marco at Jojo Sales. Sa uulitin po.

* * *

Panalo sa ratings game sa afternoon block ang seryeng pinagbibidahan nina Shaina Mag­dayao at Melissa Ricks. Ayon sa TNS survey results, nakakuha ng 25.8% ang Kambal sa Uma sa unang episode nito, na mataas na kung itu­turing para sa isang afternoon series. Hang­gang ngayon ay nanatili pa rin ito sa unang pwesto.

Sa pagpapatuloy ng kwento, mas lalong dapat abangan ang mga kapana-panabik na eksena na siguradong ikamamangha ninyo.

’Wag nang bumitaw sa bagong teleseryeng pang-hapon hatid ng ABS-CBN, Lunes hanggang Biyernes.

* * *

Sa nalalapit na katapusan ng Pieta ngayong May 1, magiging sapat ba ang pagmamahal ng inang si Amanda sa kanyang anak na si Rigor upang mailigtas ito sa matinding kapahamakan?

Inilunsad noong last quarter ng 2008, ang Pieta, sa direksyon ng respetadong action film director na si Toto Natividad at sa produksyon ni Carlo J. Caparas nakita ang galing ng host-turned dramatic actor Ryan Agoncillo at ang premiere TV contravida na si Ms. Cherie Gil bilang mag-inang Amanda at Rigor.

Ang Pieta ang nagpasigla sa panghapong pano­nood ng mga Pinoy gamit ang mga maaksyong eksena at tradisyunal na drama nito. Naging mata­gum­pay ito kaya’t napagdesisyunan ng ABS-CBN management na pahabain ito mula sa orihinal na 13 weeks na naging 27.

Ang Pieta ay naging daan din upang makilala ang mga young leading ladies na sina Krista Ranillo (Martha) at Nikki Gil (Guia) sa kanilang mga talento’t galing bilang mga aktres. Ang dalawang artista ay bagay na bagay sa karakter ni Ryan.

Naipakita rin ng show ang talento ng kanilang mga bigating artistang kinabibilangan nina John Regala, Jestoni Alarcon, Jason Abalos, Jairus Aquino, Lyka Ugarte, Neil Sese, Baron Geisler, DJ Durano, Niña Dolina, Alessandra at Assunta de Rossi at iba pa.

Show comments