^

PSN Showbiz

Paggi-gym ni Mark nagbunga

- SEEN SCENE -

Seen : Ang statement ni Kristine Hermosa tungkol sa nakaraan nila ng kanyang ex-husband na si Diether Ocampo.

Luma at paulit-ulit ang isyu. Dapat nang mag-move on si Kristine.

Scene : Pinagbigyan ni Annabelle Rama ang pakiusap ng kanyang mga anak na huwag nang mag-rally sa harap ng GMA building upang mapaalis sa puwesto si Wilma Galvante.

Seen : Ayaw maniwala ng fans ni Marian Rivera na pinalitan na siya ni Karylle bilang endorser ng Blue Water Day Spa.

Naglabas sila ng mga ebidensiya, ang litrato nina Marian at Piolo Pascual sa opening ng Capitol Hills branch ng Blue Water Day Spa.

Scene : Hinihintay na ng followers ni Ted Failon ang pagbabalik niya bilang news anchor ng TV Patrol World.

Awa ang nararamdaman nila para sa biyudong broadcast journalist na nagtapat na may mga misunderstanding sila ng pamilya ng kanyang asawa.

Seen : Magaling kumanta si Nonito Donaire.

Talent na siya ng GMA Artist Center.

Scene : Nagpaalam na sina Lil Rounds at Anoop Desai sa American Idol. Sila ang nakakuha ng pinaka-mababang boto sa sikat na singing competition ng Fox TV.

Seen : Maskulado na ang katawan ni Mark Herras. Nagbunga na ng maganda ang kanyang madalas na pagpunta sa gym.

Scene : Tatapusin ni Paolo Paraiso ang kanyang mga showbiz commitment. Kailangan na niyang lumipad sa Chicago para makapiling si Mylene Dizon at ang kanilang bagong silang na anak.

Lalake ang pangalawang anak nina Mylene at Paolo.

SEEN : Si Martin Nievera sa Goma Cup sa Boracay. Hindi sila nagkita ni Jomari Yllana dahil hindi ito dumating.

vuukle comment

AMERICAN IDOL

ANNABELLE RAMA

ANOOP DESAI

ARTIST CENTER

BLUE WATER DAY SPA

CAPITOL HILLS

DIETHER OCAMPO

GOMA CUP

JOMARI YLLANA

KRISTINE HERMOSA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with