Bagong bahay ni Rufa Mae, may gym, may spa

Hindi minamadali ni

Rufa Mae Quinto

ang dream house niyang ipinagagawa sa Corinthian. In fact, hanggang ngayon pala ay nagbi-bidding pa ng contractor at pina-plano niyang maigi ang itatayong bahay. “Gusto ko kasi, bawat lugar, magagamit.

“Meron meditation room, gym, spa, TV room, guest room, basta lahat may function,” sabi ng sexy actress nang maka-tsika namin.

Pero ayaw niyang ikuwento ang nakalaan niyang budget for the house.

Samantala, sa kasalukuyan malabo na silang magkaayos ni Mo Twister na kasama niya sa Showbiz Central. “Walang rason para maging friends kami,” deklara niya na inisa-isa niya ang mga ‘ginawa’ ng host sa kanya bago pa itong issue kay Dr. Hayden Kho.

Pero hangga’t maaari, ayaw na nitong pag-usapan ang naturang TV host na kamakailan ay kasama palang nag-abroad na naman nina Dra. Vicki Belo at Dr. Hayden.

* * *

Ang bongga, umabot pala sa 28.6% ang rating ng Talentadong Pinoy ng TV5 last Saturday. Ang Talentadong Pinoy ay hino-host ni Ryan Agoncillo. Katapat pa ng nasabing programa sa Saturday slot ang Kakasa Ka Ba Sa Grade 5 na nakakuha ng 27.1% at Singing Bee 29.1% sa Individual Audience Share. Guest si Juday ni Ryan last Saturday.

* * *

Sobrang OA as in to the highest level ang nakakabagot na traffic kahapon ( sa buong Metro Manila yata). Umulan with matching kulog at kidlat matapos ang biglaang ulan noong bandang tanghali. Pagdating ng mga 2:00 p.m. wala nang ulan, pero tulad ng dati, baha na naman sa España kaya abot hanggang Quezon Ave. ang traffic.

Hawa talaga sa España pag baha.

So para makaiwas, dahil hindi na naman madaanan, umikot ako ng Sta Mesa. Oh my, OA rin ang traffic. Inabot yata ako ng tatlong oras bago naka­rating ng opisina.

Actually, hindi na naman bago ang problema ng baha sa España. Nakalimutan ko na yata sa tagal ng panahon na dumadaan ako sa lugar na ‘yun kung kelan ko nadiskubreng bahain pala ang nasabing lugar. Minsan nga, lumubog pa doon ang kotse ko. Bigla kasing tumaas ang tubig dahil sa lakas ng buhos ng ulan. Ang ending, pinasok ng baha ang kawawa kong kotse at kailangang i-dry. Guess how much, P15,000 ang halaga. Huhuhu. Dahil sa España.

Kaya tuwing uulan ng malakas, España ang naalala ko.

Wala nang magagawa sa problema ng baha sa nasabing lugar, kaya hanggang emote na lang.

Show comments