Sana hindi naniniwala sa pamahiin ang magka-relasyong Angel Locsin at Luis Manzano. Nabasa ko kasi na isang pares ng sapatos ang pasalubong ng una sa huli nung dumating si Angel mula Korea. Eh sa henerasyon ko, no no ito, nagkakagalit daw ang nagbibigay nito at ang binibigyan. Kaya nga nagbabayaran ang dalawa ng kahit na magkano para lamang hindi sila mag-away.
Ginawa ba ito ng dalawa, ang magbayaran?
* * *
Kinokonsider pala si Dingdong Dantes para gumanap ng title role ni Zuma. Siya ‘yung bida sa isang sikat na nobela ni Jim Fernandez, creator din ng Kambal sa Uma na ginawang telenobela sa ABS-CBN.
Sumikat si Zuma sa komiks at first time itong isasalin sa movie ba o TV? Problema lamang ay kung papayag si Dingdong na magpakalbo dahil walang buhok si Zuma. Pero sa komiks ay isang malaking lalaki si Zuma, higit ang kalalakihan kay Dingdong, at sa sino mang lokal na aktor. Kaya feeling ko, mahihirapan silang kumuha ng gaganap dito. Unless, isasakripisyo ni Dingdong ang marami pang assignments na darating sa kanya in favor of Zuma. Pero, ano nga kaya ang itsura ni Dingdong kapag kalbo siya?
* * *
O kita mo naman, nakabili na pala ng bahay sa Hollywood strip ang mag-asawang Manny at Jinkee Pacquiao. Afford naman nila ito, at isa itong magandang investment at produkto ng pagpapakahirap ni Manny sa ring.
Mabuti nga at marunong silang mag-invest, anytime na gustuhin ni Manny na mag-retire, meron na silang mga propyedad. Meron na sila dito sa bansa, tama lang na magkaroon din sila sa ibang bansa. Mag-aral man sa abroad ang mga anak nila in the future, meron na silang matutuluyan.
Alam kong marami rin silang nabiling pinarerentahang apartment sa Amerika.
* * *
Mukhang mahihirapan si Sharon Cuneta sa movie nila ni AiAi delas Alas. Kung all out comedy ito, forte ito ni AiAi she will be the one who should exert more effort para maging funny. Second skin na ito ni AiAi, madali niyang magagawa. Not unless na sa tandem nila, si AiAi ang taga-bato at si Mega ang taga-salo.
Mega should exert effort para pumayat siya ng husto dahil fit si AiAi, ayaw naman niya sigurong maging katawa-tawa dahil sa kalakihan niya.
In any case, parang kaabang-abang ang pelikula. Knowing the calibre of both actresses pareho silang magaling, huwag lang magkasapawan at puwedeng mangyari nang hindi nila sinasadya.