Talent manager tinawag na manggagantso

Sabit ang talent manager at ang kanyang advertising agency na si Arnold Vegafria sa naging intriga sa Philosophy by Mikaela Advanced Aesthetic Center na pag-aari ni Mikaela Bilbao.

Last week ay lumabas sa blind item na nagkaroon ng nervous breakdown si Mikaela at dinala sa hospital dahil sa financial problem. Kahapon, nagpatawag ng presscon si Mikaela para ipaliwanag ang isyu.

Pagdating pa lang niya, ipinakikita na ang mga xerox copies ng mga tsekeng ibinayad niya sa advertising agency ni Arnold para i-deny ang issue na hindi sila nakakabayad sa advertisements. “Binola-bola niya ako. Sinabi niyang malaki ang advertising agency niya,” simula agad ni Mikaela na naka-deal niya ang manager dahil manager din ito ni Pops Fernandez na endorser nila.

Ayon sa kuwento ni Mikaela, nagsimula ang problema nila sa press launching ng Philosophy by Mikaela. Nadiskubre agad niya (Mikaela) na ang laki ng patong ng nasabing talent manager sa pinatawag nilang presscon – prinesyohan siya according to her ng P487,000 na nang i-total nila ay P210,000 lang naman ang gastos sa venue at pagkain sa nasabing presscon.

Pero ang pinaka-mortal sin na ginawa ng ahensiya ng talent manager ayon sa ‘showbiz’ na may-ari ng Mikaela’s na yumaman sa pagni-negosyo ng South Sea pearl ay ang maling telephone number na nakalagay sa final print ng kanilang clinic na lumabas sa broadsheets. Bukod sa mali ang telephone number – 8921574, ang tamang telephone nila – may isa pang ad na may typographical error. Ang sana ay nakalagay daw na presents, naging resents – as in kulang ng letter P. “Lumabas pa na galit ang Mikaela,” sabi niya. “Nagalit pa ang may-ari ng telephone number na nalagay nila.” Mali ang last digit – instead na 4 naging 2 sabi niya.

Actually, malaking pagkakasala ang magkamali ka sa advertisement dahil per sukat ang presyo. At hindi cheap ang magpa-ads sa mga malalaking dyaryo.

“Nagantso ako. Lies, lies, lies lahat ang sinabi niya,” mariing sabi ni Mikaela.

At dahil napag-usapan ang talent manager, naungkat ang issue sa balitang may nanakot kay Arnold Vegafria. “Nang makilala ko siya, may mga death threats na siya.”

Kasi pala alaga niya si Plinky Recto na nagkataon namang kamag-anak niya ang dating asawa. “Ako mismo ang nakiusap na arburin ko na lang si Arnold dahil mabait naman siya noong una,” kuwento pa ni Mikaela na hawig kay Maureen Larrazabal sa personal. Mas payat nga lang siya kay Maureen.

Isa pa raw na hindi niya mapapalampas na nang­yari ay ang inabot niyang pressure nang may magus­tuhan siyang ad spot sa South Super­highway na ang may-ari ay ang tatay ni John Pratts. Pero pumalpak ang plano niya dahil nang hinihingi na niya ang materials, wala pa at sinabing hindi na puwedeng mag-back out. Kaya ang ginawa na lang niya ay bina­yaran ang tarpaulin para pakinabangan.

Hindi siya member ng board of directors ng Philosophy by Mikaela kaya hindi pa niya alam kung ano ang next move nila sa talent manager na siguradong may sagot sa mga sinabi ni Mikaela na ayaw makipag-compete kay Dra. Vicki Belo.

Human error daw ang katuwiran ng talent manager nang kausapin ito tungkol sa nangyari.

Hindi pa siya puwedeng makipagkita sa nasabing manager ni Pops matapos siyang magkaroon ng nevous breakdown dahil na rin sa advice ng doctor.

Kasama sa investor niya si Mr. Roger Santander na nag-iisang Pinoy na may-ari ng mall sa America.

Aabot din daw sa P2 billion ang investment ni Mr. Santander sa Philosopy by Mikaela.

Yup billions.

Show comments