Hanggang sa lamay ng ina ng kaibigang Jun Lalin (at the St. Peter Memorial Chapel along Quezon Ave.), consistent pa rin si Annabelle Rama na tanging retraction lang ang kanyang hinihingi mula sa Philippine Entertainment Portal (PEP) at patnugot nitong si Jo-Ann Maglipon.
Also consistent with her expensive jewelry, Tita A. stands her ground na walang halaga sa kanya ang paghingi ng sorry ng PEP sa inilabas nitong artikulo involving her son Richard Gutierrez na diumano’y nanutok ng baril kay Michael Flores sa birthday party ni direk Mark Reyes.
“Bawiin lang nila ang kanilang isinulat, na wala naman talagang ganoong insidenteng nangyari, ’yon lang,” medyo mahinahong sabi nito.
Tita A. is well aware of the fact that apology and retraction are two different things. Filing an appropriate case is another.
* * *
Sana’y walang katotohanan dun sa tinanggap na tawag ng isang showbiz mother tungkol sa isang sikat na matinee idol (rival nga ba ng kanyang anak?).
During a huddle, saglit munang nag-excuse ang mudra sa kanyang mga kaumpukan, she was in the other end of the line, kausap ang kanyang impormante.
When the phone conversation was over, bumaling ang madir sa kanyang mga katsikahan, ibinalita ang kanyang nasagap. Tungkol umano ’yon sa aktor na nakitang pumasok sa isang bar (housed at a five-star hotel in Makati City) recently, pulang-pula raw ang mga mata at dilat pa, believed to be heavily drunk, if not on drugs. Parang may hina-hunting daw sa bar.
Personally, mahirap paniwalaan ang kuwentong ’yon, kilala rin kasing fitness buff ang aktor na ’yon. To top it all, image-conscious pa who would not do anything to discredit his own name. Puwede pa siguro yung ka-loveteam ng aktor ang magluka-lukahan given her now-tainted public image.
* * *
Jokes are half-meant.
On stage sa birthday party ng kaibigang Jobert Sucaldito, na-acknowledge ng mga tumayong hosts (Jobert’s reporter-friends) ang pagdating ng mag-asawang Senator Bong Revilla at Lani Mercado.
Ang manner of address kay Lani: Congressman Lani Mercado.
So, confirmed na nga ba ang pagsabak ng maybahay ni Bong sa pulitika? In hindsight, Lani ran for Bacoor mayoralty bago pa umupo ang incumbent nitong si Mayor Strike Revilla, elder brother ni Bong, but lost.
Kung papalarin, most visible ang mga Revilla sa pulitika dahil ang anak pa nina Bong at Lani na si Jolo leads a youth group all over Cavite. And why not? Lani makes a good House Representative, tsansa lang ang kailangan niya to prove her worth.