^

PSN Showbiz

Tatay andito na! Pamilya ni Juday kumpleto sa kasal nila ni Ryan

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Nag-last shooting day na si Judy Ann Santos ng OMG: Oh, My Girl  movie nila ni Ogie Alcasid last week, kaya may time na siyang paghandaan ang wedding nila ni Ryan Agoncillo na sabi ng actress, “Definitely, it will happen this year!,” pero ayaw pa ring sabihin kung kailan at kung saan gagawin, basta mangyayari na lang daw bagama’t matunog na sa susunod na buwan na ito.

Nasa bansa ang ama ni Judy Ann since January pa, kaya tiyak ang pagdalo nito sa kanyang kasal. Every after six months bumabalik pala ng ‘Pinas ang ama dahil may inaasikasong negosyo, kaya kompleto ang pamilya niya sa espesyal na araw sa buhay niya.

Bukod sa pag-aasikaso sa kasal, ang construction sa ipinadagdag na parte ng bahay nila ang kanyang inaasikaso at hinihintay din nila ang pagdating ng mga biniling furnitures. Ang description ni Judy Ann sa bahay nila ay “Hindi ganu’n kalaki, enough lang sa amin. Hindi hi-tech, tama lang for friends na gustong mag-crash, pero bahay na gusto mong uwian.”

Gusto ni Judy Ann na sa pasukan ay may bahay na sila at makahanap na rin ng progressive school para sa anak nilang si Yohan na magga-graduate sa Gymboree.

Samantala, matagal nang magkaibigan sina Judy Ann at Ogie, pero ngayon lang sila nagkasama sa pelikula. Nahawa siya sa pagiging masayahin nito at dobleng tuwa ang actress dahil nag-cameo si Regine Velasquez bilang production assistant. First time rin niyang maka-trabaho si Manilyn Reynes na “legend” na para sa kanya.

 Sa July na ang showing ng masayang pelikula sa direksyon ni Dante Garcia na sabi ni Ogie ay very, very talented director at ang pagdidirek ng comedy ang gift at madetalye.

* * *

Dumalo kami sa opening ng 8th Batang Quezon City Olympics noong Sabado sa Amoranto Stadium na ang objective ay mag-develop ng athletes para sa national pool. Dumating sina QC Mayor Sonny Belmonte at QC Vice Mayor Herbert Bautista.

Bulung-bulungang tatakbong Congressman si Mayor Belmonte sa 2010 elections at si Herbert ay tiyak na ang pagtakbong mayor.

Nang makausap, hiningi namin ang reaction ni Herbert sa pahayag ni Pia Arroyo-Magalona na walang nangyari sa Bagets Foundation dahil nauuwi lang sa inuman ang kanilang meeting.

How true ang sinabing ito ng misis ni Francis Magalona?

“Na-put up ang foundation at may 90 scholars kami ngayon. Si Kiko ang nakaisip ng foundation nang nag-iinuman kami. Ang hindi natuloy ay ang album dahil nagka-problema sa singers na iba-iba ang recording company. Nag-agawan ang Viva Records at Universal Records, pero may nagawa kaming one song ng Parokya ni Edgar. Kung bibilhin namin ang songs sa Viva ang mahal, P150,000 ang rights.

“Hindi rin natuloy ang plano naming i-remake ang Bagets sabay sana ng 25th anniversary ng movie. Nang ilapit namin kay boss Vic (del Rosario), akala nagbibiro lang kami. Tapos ibinigay niya sa ABS-CBN ang rights ng pelikula, shelved na ang plano naming i-remake ‘yun, pero tuloy pa rin ang foundation. Ang highlight sana ng movie ay sina JC Bonnin at Aga Muhlach. Manggagaling sana sa kikitain ng album at movie ang pang-suporta sa foundation,” mahabang pahayag ni Herbert.

AGA MUHLACH

AMORANTO STADIUM

BAGETS FOUNDATION

BATANG QUEZON CITY OLYMPICS

DANTE GARCIA

FRANCIS MAGALONA

JUDY ANN

JUDY ANN SANTOS

MANILYN REYNES

MAYOR BELMONTE

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with