MANILA, Philippines - Inaasahang higit na mag-iinit ang labanan sa taunang selebrasyon ng Aliwan Fiesta sa paglahok ng 24 naggagandahang dilag sa timpalak ng Reyna ng Aliwan, na gaganapin sa maningning na mga pagtatanghal sa ika-24 at 25 ng Abril.
Inilahad na ng Manila Broacasting Company ang listahan ng mga kalahok sa taong ito, na suportado muli ng Sentrong Pangkultura ng Pilipinas at mga lungsod ng Maynila at Pasay.
Mula sa National Capital Region hanggang Mindanao ang sumali sa timpalak ng pagandahan.
Ang magwawagi bilang Festival Queen ng Aliwan Fiesta 2009 ay mag-uuwi ng isandaang libong piso (P100,000) at tropeo, bukod sa pagiging ambassadress of goodwill ng turismo. Gaganapin ang pageant night sa ika-24 ng Abril sa harap ng Aliw Theaer sa CCP Complex, habang ang coronation night sa Quirino Grandstand ay susunod sa Grand Parade ng ika-25 ng Abril.