MANILA, Philippines - Muling ipinalabas noong nakaraang Biyernes ang Tanikala: Bihag ng Kadiliman, isang espesyal na paghahandog ng The 700 Club Asia tungkol sa mga kuwentong hango sa tunay na buhay ng mga taong nakaengkwentro ng masasamang ispiritu, dwende, aswang, at iba pa.
Sa una nitong pagtatanghal noong Biyernes Santo, nanguna ang Tanikala sa hanay ng mga espesyal na programa sa 5 to 6 p.m timeslot na napanood sa GMA 7. Mula sa 48.7% ng mga manonood, ang Tanikala ay nagtala ng 16.6% na TV ratings at umani ng iba’t ibang komento at opinyon, dahilan upang muli itong ipalabas sa QTV.
Ang Tanikala ay nagtatampok ng tatlong istorya: Desepsyon, Boses: Udyok ng mga Dwende, at Takot: Ang Lihim ng Lumang Bahay.