'Hindi ako nakikipag-sex sa kotse' - Matt

Dumalo kami sa taping ng Hole in The Wall hosted by Ogie Alcasid (Angelina) at Michael V. (Yaya). Sobrang nakakatuwa ang pinaka-bagong gameshow na galing pa ng Japan. Habang inaayos ang palda ni Ogie ay ‘di sinasadyang lumitaw ang brief nito.

Ang mga naglaro ay binubuo ng Blue Team na kinabibilangan nina Rochelle Pangilinan at ang magkapatid na Moymoy Palaboy at sa Red Team naman ay sina Wilma Doesnt, Tess Bomb at JC Tiuseco. Sa una at ikalawang round ay walang nalaglag sa mga celebrity players pero nabawasan ng puntos nang mapingas ang isang bahagi ng wall dahil hindi gaanong nakapasok sa butas si Tess. Pero sa third part ay nalaglag sina JC, Tess at isa sa Moymoy Palaboy.

Ang natalo ay ang Blue Team (20 pts) laban sa Red Team (922 pts) at sobrang na-excite ang lahat kahit may nalaglag at nabasa.

Magsisimula ang programa sa Lunes (April 20) mula Lunes hanggang Biyernes 6:00-6:30 ng gabi sa GMA 7.

Inamin nina Ogie at Michael na sa tagal nilang magkasama sa showbiz ay never na umiral ang inggitan sa bawat isa. Magkumpareng buo ang dalawa at hindi sila nagsasapawan.

Tinanong si Michael kung hindi ba naaasiwa ang asawa nito kapag nagdadamit at kilos-babae siya?

“My wife has no objection sa role ko bilang babae at kung ano ang pinaggagagawa ko dahil naiintindihan niya ang aking trabaho. Kung hindi dahil dito ay hindi ako makakabili ng kotse at bahay,” sabi ni Michael.

* * *

Tatlong taon na sa showbiz si Matt Evans na kasama sa Kambal sa Uma bilang si Gabriel. Sinuportahan siya ng ABS-CBN kaya maganda ang takbo ng kanyang career. Malaking bagay na nagkaroon sila ng loveteam ni Melissa Ricks kaya dumami ang tagahanga.

“Maganda po ang chemistry namin ni Melissa at lalo pa naming ginagalingan ang pag-arte kaya siguro napapansin nila ng aming tambalan,” sey ni Matt.

Hindi ito apektado ng intriga dahil tinanong ng mga press people kung siya ba ang tinutukoy sa blind item na nakikipag-sex sa loob ng sasakyan.

“Bakit naman dun ko pa gagawin ang pakikipag-sex gayung may bahay naman ako o kahit sa isang pribadong lugar. Okey lang na intrigahin ako dahil hindi naman totoo,” anang aktor.

Nahirapan si Melissa sa isang eksena sa palengke at mainit ang pakiramdam nito dahil sa prosthetics. Feeling nito ay nanlalagkit siya sa pawis.

Bagama’t hindi niya napanood ang Kambal sa Uma na tinampukan noon ni Rio Locsin ay malinaw naman ang paliwanag sa kanya ng direktor at naintindihan niya ang mga nakalagay sa script. Nangingilabot si Melissa dahil 200 na totoong daga ang nakasama sa teleserye.

Ang Kambal sa Uma ay dinidirek nina Manny Palo at Rechie del Carmen.


Show comments