^

PSN Showbiz

Di raw ka-level ng baguhan fans ni Marian umangal; Ariel nilayasan ang premiere night ng comeback movie

- SCENE SEEN -

Seen : “ Unfair!” ang sigaw ng fans ni Marian Rivera. Hindi raw tama at patas na ikumpara kay Marian si Carla Abellana dahil baguhan pa lamang ito at wala pang napapatunayan.

May rason upang mag-react ang mga taga-hanga ni Marian.

Scene : Nakatulong sa promo at publicity ng bagong season ng Daisy Siete ang isyu sa pagitan nina Aifha Medina at Rochelle Pangilinan laban kay Joshua Formentira, ang lalake na hinampas ng baso sa mukha ng kaibigan ng Sexbomb dancers.

Seen : Nakakainsulto ang statement ni Aifha Medina sa Startalk na kung gusto ni Joshua, maaari itong mag-guest sa Daisy Siete. Biro man o hindi, naging insensitive si Aifha.

Scene : Umalis kaagad si Ariel Rivera sa premiere night ng Padre De Familia sa SM Megamall Cinema.

Kasama ni Ariel ang dalawang anak nila ni Gelli de Belen. Umalis ang mag-aama bago nag-umpisa ang screening ng Padre De Familia.

Seen : Ang mahabang sagot ng PEP sa Cease-and-Desist letter na natanggap nila mula sa abogado ni Annabelle Rama. Mahaba ang paliwanag ng editor-in-chief na si Jo-Ann Maglipon, wala silang balak na itigil ang paglalabas sa PEP ng mga balita tungkol kay Richard at sa Gutierrez Family.

Scene : Tatapusin ni Ely Buendia ang recording ng unfinished album nila ni Francis Magalona. Gagamitin ni Ely ang mga song material na naiwan ni Francis.

Seen : Si former President Joseph Estrada at Senator Jinggoy Estrada sa unang gabi ng burol sa labi ng pumanaw na asawa ni Ted Failon. Birthday ngayon ni Erap.

Scene : Mahigit isang milyong piso ang presyo ng relo na mapapanalunan ng mga sasali sa 14th Goma Cup na idaraos sa Boracay mula April 22 to April 25, 2009.

Ang Goma Cup ang unang malaking proyekto ni Goma pagkatapos ng Family Feud.

vuukle comment

AIFHA MEDINA

ANG GOMA CUP

ANNABELLE RAMA

ARIEL RIVERA

CARLA ABELLANA

DAISY SIETE

ELY BUENDIA

FAMILY FEUD

PADRE DE FAMILIA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with