^

PSN Showbiz

TV host lasing na lasing, nagwala sa condo ng bf

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Ibang klase palang mala­sing ang isang female TV host dahil literal na nawawala siya sa sarili. Nalilimutan ang ginagawa at lukring talaga.

Ayon sa isang super reliable source, minsang du­mating ito sa condo unit ng kanyang boyfriend na kilala rin sa showbiz na lasing na lasing. Pero dahil sa kala­singan, nabuwisit ang boy­friend kaya hindi binuksan ang door ng kanyang condo unit. Sa galit daw ng TV host, kinuha ang fire extinguisher at pilit na pinukpok ang pintuan ng condo na iki­nagalit ng mga ibang tenant sa nasabing condo building.

Pero wala raw epek sa boyfriend ang pagwawala ng girlfriend at hindi talaga binuksan ang door ng unit niya hanggang nagsawa ang TV host at napilitang kausapin ng secu­rity sa nasabing building dahil nagrereklamo na ang mga neigh­bors ng boyfriend.

Walang nagawa ang TV host kundi lumayas sa condo at nagsisigaw sa labas habang umiiyak.

Sobra raw talagang ma-in love ang TV host na ito at walang magawa ang mga kaibigan sa kagagahan pagdating sa pag-ibig. 

* * *

Dumagsa ang maraming e-mail ng fans ni Marian Rivera matapos nilang malaman na kasama sa gagawing filmfest entry ng kanilang idolo ang bagong ibi-build up ng GMA 7 na si Carla Abellana ng Regal Films.

Iisa ang sinasabi ng mga fans – hindi raw dapat ikinukumpara si Marian kay Carla dahil wala pa namang napapatunayan si Carla samantalang, ang kanilang idolo ay andyan na sa itaas.

Apela nilang ‘wag naman sanang pagkum­parahin ang kanilang idolo at si Carla dahil wala pa namang napapatunayan ang anak ni PJ Abellana.


vuukle comment

ABELLANA

APELA

AYON

CARLA

CARLA ABELLANA

DUMAGSA

MARIAN RIVERA

PERO

REGAL FILMS

SHY

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with