MANILA, Philippines - Nasa larawan si majority floor leader at konsehal, Atty. Ariel Enrile Inton, Jr., (dulong kanan) na binibigyan ng service award ni national artist Eddie Romero dahil sa pagsusog ng mambabatas na matulungan ang Mowelfund sa pamamagitan ng pagtaas ng P1.00 sa mga bayad sa sinehan sa buong Lungsod Quezon simula noong Hulyo, 2008. Ang halagang nalikom ay ipangtutustos sa pagsemento ng parking area ng Mowelfund Plaza. Nakamasid sa paggawad ng pagkilala sina chairman Atty. Espiridion Laxa, Direk Josefino Cenizal, Marichu Maceda at Direk Boy Vinarao (bahagyang nakatago) na pawang mga kasapi ng board of directors ng Mowelfund.