Anak ni Ted nakakabilib
Mabuting kaibigan si Ted Failon at bilang suporta sa kanya, pumunta ako kahapon sa Camp Karingal, pagkatapos kong manggaling sa presscon ng Hole In The Wall nina Ogie Alcasid at Michael V.
Na-late ako ng ilang minuto dahil kaaalis lang ni Ted sa Camp Karingal nang dumating ako. Mga TV crew na lang ang inabutan ko.
Ang ginawa ko, nagpunta muna ako sa burol ng nanay ni Jun Lalin sa St. Peter’s Memorial Chapel sa Quezon Avenue bago ako nagpunta sa Arlington Funeral Homes, ang punerarya na pinagbuburulan ng asawa ni Ted na si Trina Etong.
Hinintay ko muna ang pagdating ni Jun sa St. Peter’s Memorial Chapel dahil wala siya nang dumating ako.
Nagpang-abot kami ni TJ Trinidad sa burol ng nanay ni Jun. Nagkataon daw na walang taping ang Zorro kaya nagkaroon siya ng oras na makiramay.
Nalaman ko mula kay Jun na hindi pala natuloy ang pagpunta ni Annabelle Rama sa US. Aalis dapat si Bisaya noong Huwebes pero na-postpone ang kanyang biyahe. Pupunta na lang yata siya sa Las Vegas para panoorin ang laban nina Manny Pacquiao at Ricky Hatton.
May mga nagyayaya sa akin na manood ng Pacquiao-Hatton fight sa Las Vegas pero tinatamad ako sa mahabang biyahe. Dito na lang ako sa ating bayang magiliw, itsurang napakainit ng panahon.
* * *
Nagkita at nagkausap kami ni Ted sa Arlington Funeral Homes. Na-touch ako sa pamilya ni Ted dahil lumabas sila ng kanyang mga anak mula sa private room nila para asikasuhin ako.
Naabutan ko naman sa burol ni Trina si Mama Rosa Rosal. Ikinuwento sa akin ni Mommy Rosa na napilitan siyang uminom ng tranquilizer nang mapanood niya sa TV ang brutal na trato ng mga pulis sa pamilya ni Ted at sa kanyang mga kasambahay.
Naloka si Mommy Rosa sa mga eksena na kanyang napanood. Kakuwentuhan namin ang lawyer ni Ted at ito ang nagsabi na talagang may mali sa mga ginawa ng pulis.
* * *
Halata sa mukha ni Ted ang matinding kalungkutan pero bilib na bilib ako sa pagiging kalma niya.
Pumunta siya sa Camp Karingal para dalawin ang kanyang mga kasambahay na hinuli at ikinulong ng QC Police dahil sa obstruction of justice. Nakalabas na ang isa sa mga kasambahay ni Ted pero hindi ko pa alam kung kailan makakalaya ang tatlo pang natitira sa kulungan.
Nakabantay sa harap ng CIDU ng Camp Karingal ang mga miyembro ng media at nakabantay naman sa lobby ng Arlington Funeral Homes ang mga reporter na umaasang maiinterbyu nila si Ted.
* * *
Na-meet ko sa burol ni Trina ang kanyang anak na si Kaye. Niyakap ko si Kaye at sinabi ko na bilib na bilib ako sa katatagan na ipinakikita niya.
Magaganda ang mga sagot ni Trina sa mga interbyu sa kanya. Lahat ng mga nakakausap ko eh hangang-hanga sa panganay nina Ted at Trina.
Nag-aaral si Trina ng filmmaking sa Cebu City. Gusto sana niya na mag-aral sa New York pero pinili ni Ted na mag-enroll siya sa isang international filmmaking school sa Cebu dahil ayaw niyang malayo sa kanila ang kanyang panganay.
- Latest