Kasama ako sa mga nalungkot nang mabalitaan ko ang tangkang pagpapakamatay ng asawa ni Ted Failon na si Trina.
Kilala ko si Trina dahil palagi ko silang nakakasabay ni Papa Ted kapag nagsisimba sila sa St. Paul Apostle Church sa Timog, Quezon City.
Saksi ako kung gaano nila kamahal ang isa’t isa kaya never akong manininiwala na may kinalaman si Papa Ted sa nangyari sa misis niya.
Abswelto na si Papa Ted dahil mismong anak niya ang nagsabi na talagang nagtangka na magpakamatay ang kanyang ina at ugali na nito na gumamit ng “po” kaya hindi dapat pagdudahan ang suicide note.
Narinig ko ang pahayag ni Papa Ted na may financial problem si Trina at hiyang-hiya ito sa kanya.
Ipagdasal natin ang kaligtasan ni Trina. Ipagdasal din natin na malampasan ni Papa Ted at ng kanyang pamilya ang grabeng pagsubok na dumating sa buhay nila.
* * *
Matagal ko nang kilala si Papa Ted. TV reporter pa lamang siya noon sa Channel 2. Hindi pa siya anchor sa TV Patrol.
Hindi ko makakalimutan na palagi akong iniinterbyu ni Papa Ted sa Manila City Hall noong 1994.
Iniisip kong mabuti kung naharbatan ko siya noon ng datung. Siyempre, hindi ko na siya mahaharbatan, lalo na ngayon na may problema pala sa pamilya ang kanyang misis.
* * *
Naloka ako sa rami ng mga e-mail na natanggap ko mula sa fans ni Yasmien Kurdi. Kung anik-anik ang kanilang mga sinasabi. Aping-api na raw si Yasmien dahil wala pa itong regular show at napapabayaan na raw siya ng GMA 7.
Maraming hindi alam ang fans ni Yasmien. Hindi nila alam na choice ni Yasmien na huwag munang tumanggap ng regular show dahil nag-e-enjoy siya sa pag-aaral.
Marami nang projects na tinanggihan si Yasmien. Bilib nga ako sa kanya dahil malakas ang kanyang loob na huwag tumanggap ng project kapag may conflict ito sa pag-aaral niya.
Hindi siya katulad ng ibang artista na takot na takot na mawalan ng mga TV project. Alam ni Yasmien kung ano ang gusto niya at isa ito sa kanyang mga katangian na hinahangaan ko.
* * *
Blooming si Korina Sanchez nang mapanood ko siya kahapon sa teleradyo ng dzMM na tinutukan ko dahil sa mga update nila sa kaso ng suicide attempt ng asawa ni Papa Ted.
I’m sure, blooming si Mama Koring dahil sa balita na malapit na silang humarap sa altar ni Senator Mar Roxas.
Narinig ko na rin ang balita na magpapakasal na ang dalawa at malalaman ito ng buong Pilipinas dahil sa special announcement na gagawin ni Papa Mar.
Ang kasalan portion nina Mama Koring at Papa Mar ang mahigpit na makakalaban nina Judy Ann Santos at Ryan Agoncillo sa ‘Wedding of the Year’ title.
* * *
Twenty-five million pesos ang halaga ng libel case ni Richard Gutierrez laban sa PEP at P25 million din ang counterclaim lawsuit ni Annabelle Rama kay Wilma Galvante.
Sa filing fee pa lang, malaki na ang nagagastos ng mga Gutierrezes ‘huh. Malaki-laki ang filing fee sa P50-M case na inihain ng mag-ina laban sa mga kaaway nila ‘huh!
Natawa ako sa sinabi ni Annabelle na okey lang sa kanya na araw-araw na magpunta sa korte dahil excercise ito para sa kanya.
Ang hirap-hirap gumising ng maaga para dumalo sa mga hearing , lalo na ngayon na ang init-init ng panahon.