Hindi ko pa actually napapanood pero sabi ni Shalala mayro’n na raw napapanood na trailer ng movie nina Richard Gutierrez at Anne Curtis? Co-prod daw ito ng GMA Films at Viva Films.
Alam ko na there is such a movie pero ’di ba sa Valentine season pa ito ipalalabas, eh bakit may trailer na?
Masyadong maaga naman. Kahit pang-Metro Manila Film Festival Philippines pa ito, eh maaga pa rin, ’di ba?
Marami na rin ang nagtatanong sa akin kung totoo bang Kapuso na si Anne. Sabi hindi, Kapamilya pa rin siya, gagawa lang siya ng movie sa GMA at Viva, yun lang!
* * *
At long last, nag-decide na ring bumalik sa kanyang trabaho si Patrick Garcia. Mapapanood siya sa Dear Friend kasama si Glaiza de Castro na sinasabing nililigawan niya ngayon. Hindi masama, mabait si Glaiza, maganda at masipag sa kanyang trabaho. At kahit kaibigan ito ng ex ni Patrick ay wala itong paki, sinasabi niyang labas sa friendship nila ni Jennylyn Mercado kung anumang relasyon meron sila ng aktor.
Mas excited si Patrick na makita ang kanyang anak kay Jennylyn dahil marami ang nagsasabi na kamukha niya ang bata.
* * *
Ang daming gulong naganap sa Boracay nitong Holy Week. Ang masama pa ang mga involved ay artista! Ang masama kumbaga sa usok ay ginagatungan pa ito kaya sa halip na matapos ay lalo pang nagkakagulu-gulo.
Bakit naman kasi napakaraming tao ang sa halip na makatulong ay nagpapasama pa ng sitwasyon, may masaktan man o wala. Ang gusto lang nila ay kumita. Nakakaawa talaga ang mga artista, anumang pag-iwas ang gawin nila, habulin sila ng gulo.
* * *
Tama rin yung desisyon ni Boss Vic del Rosario na huwag munang pagawin ng serye ang alaga niyang si Sarah Geronimo. Hindi nga naman magtatagal ang career nito kung mabubugbog sa TV. Dumaan na si Sarah sa pagsubok nang magbida ito sa isang serye na hindi naman lubusang nag-click.
Tama na muna yung pa-show-show sa abroad at ASAP sa TV. At paminsan-minsan ay paggawa ng movies. Hindi bale kung tulad sa States na iba ang artista sa TV at iba sa movies. Iba kasi sa ’Pinas. Kaya marami ang nao-overexposed.