MANILA, Philippines - Good news ang hatid ng Easter sa mga movie lovers dahil isang linggong the best and the biggest Hollywood movies ang hatid ng 5MAX Movies ng TV5 with award-winning films Once Upon a Time in Mexico starring Antonio Banderas and Johnny Depp, Italian Job with Mark Wahlberg and Charlize Theron, at ang favorite family-comedy flick na Shrek.
Ang classic horror film na Leprichaun ang mapapanood ngayong Miyerkules (April 15), kung saan mapapanood ang role ng batang Jennifer Aniston bago siya sumikat sa F.R.I.E.N.D.S.
Sina Antonio at Johnny naman ang bida sa third installment ng action epic movie na Once Upon a Time in Mexico bukas.
Base sa 1969 British movie with the same name, ang award-winning action movie na The Italian Job ang palabas sa Biyernes (April 17) na tungkol sa nag-double-cross na kasama.
Matawa at maki-rock on kay Jack Black sa comedy movie na School of Rock, palabas sa Sabado (April 18), tungkol sa isang wannabe rocker na magpapanggap na teacher sa elementary school.
The first to win an Oscar for best animated feature in 2001, ang comedy movie na Shrek ay mapapanood sa Linggo (April 19).
Base sa fairy tale picture book with the same name, nag-rank second ang Shrek sa American poll of 100 greatest family films of all time.
Panoorin at maaliw sa malalaking Hollywood blockbusters na hatid ng 5MAX Movies sa buong linggo, tuwing 9 p.m. sa TV5.