It was only during the presscon of Kambalilong, ang pang-22nd season ng Daisy Siete, na may nagtanong sa manager ng Sexbomb Girls na si Joy Cancio, producer ng afternoon series na starring ang kanyang mga alagang dancers, kung kaya na ba niyang tapatan ang bago ring serye ng Dos, ang Kambal sa Uma na ang istorya ay tungkol din sa kambal na magkapatid na babae (ang isa ay si Shaina Magdayao).
Kung ang Kambalilong ay tungkol sa kambal na magkapatid na babae na parehong may malalaking ilong na nakipagsapalaran sa isang magulong lungsod, kambal na babae rin ang mga tauhan sa serye ng Dos, mga babaeng ipinaglihi ng kanilang ina sa daga kung kaya ang isa sa kambal ay talagang mukhang daga pero ang isa ay normal ang itsura pero, balbon ang katawan at may buntot na katulad ng kanyang kakambal.
“Disyembre pa lamang nang simulan namin ang pag-uusap para sa Kambalilong, hindi ko alam na may makakatapat pala kaming programa sa kabila na kambal na babae rin ang mga bida at may mga diperensya rin sa katawan. Wala akong conscious effort na makipag-compete, nagkataon lang na nagkapareho kami ng tema,” paliwanag ng producer-choreographer.
Katulad ng mga nakaraang 21 seasons ng Daisy Siete, mga Sexbomb din ang bida sa Kambalilong, partikular sina Jopay Paguia at Sunshine Garcia na siyang gaganap ng role ng kambal. Pero may role rin sina Weng Ibarra bilang ina ng kambal, Rochelle Pangilinan, isang sikat na artista na nabuntis ng isang hunky matinee idol, Danielle Ramirez, ang cosmetic surgeon na babago sa mukha ni Sunshine, Louise Bolton, writer na magnanakaw ng isang istorya ni Jopay, Izzy Tirazona, isang laos na cosmetic surgeon, Evette Pabalan, ang nakakaalam ng kwento ni Weng at ang iba pang dancers na sina Cynthia Yapchinco, Monic Icban, Mia Pangyarihan, Aifah Medina, Jacky Rivas, Johlan Veluz, Danica Gulapa, Sheena Flores at Jhoanna Orbeta.
May mahalagang role rin sina Arnell Ignacio, bilang ama ng kambal, Gladys Reyes, JC Cuadrado, Mico Aytona, Aaron Flores, Tariq Jambogana, Jao Mapa, Manuel, JR at Miguel.
Ang pilot episode ay kinunan sa Vigan. Talagang sinuyod nila ang Vigan para maipakita sa serye ang kagandahan nito. Mapapanood na ito sa Abril 20, pagkatapos ng Eat Bulaga.
* * *
Pagbati ang ipinaabot namin kay direk Chito Roño at sa mga stars and staff ng nakakatakot na pelikulang T2 na ginawa ng Star Cinema starring Maricel Soriano and Mica dela Cruz dahil kahit nakakadalawang araw pa lamang ito sa mga sinehan ay nagpasok na ito sa takilya ng kitang P28 million.
Muli, ipinaramdam ng mga manonood na mga pelikulang nakakatakot ang trend ngayon, ito ang gustong panoorin ng tao. Hindi sila mabibigo dahil isa pang nakakatakot na pelikula ang inihahanda ng Star Cinema. Ito ang Estrelya na nasa direksyon ni Rico Ilarde starring Geoff Eigenmann, Shaina Magdayao, Maja Salvador, atbp.
* * *
Bagama’t hosting at singing ang linya ni Mico Aytona, isa sa mga co-hosts ng Walang Tulugan ni German Moreno, nagsisimula na itong tumanggap ng acting projects.
Kasama siya sa 22nd season ng Daisy Siete, pangalawang assignment na niya ito kay Joy. Regular siyang napapanood sa Walang Tulugan tuwing Sabado ng madaling araw at K-Blog tuwing Sabado ng umaga naman. Parehong show sa GMA 7. Paminsan-minsan nakakasama siya sa SOP.
Unang Kapamilya si Mico at kahit lumalabas sa Kapuso network, ay wala siyang problema, wala siyang kontrata at pwedeng magpalipat-lipat ng channel.
Nasa huling taon na sa kursong Business Management si Mico sa Asian Institute for Distance Education na matatagpuan sa Greenbelt, Makati.