Biktima ng kaibigan ng Sexbombs itutuloy ang kaso
Napanood ko ang interbyu kay Joshua Formentira, ang lalake na sugatan ang mukha dahil hinampas ng baso sa mukha ng kaibigan nina Rochelle Pangilinan at Aifha Medina.
In fairness, maganda at malinaw ang paliwanag ni Joshua tungkol sa gulo na kinasangkutan niya. Halata na edukado siya at dahil nasugatan, desidido ang biktima na dalhin sa korte ang kaso.
* * *
Nag-sorry si Andrew Wolff sa security guard na inagawan niya ng baril. Inamin ni Andrew ang kanyang pagkakamali at idinenay niya na nagbayad siya ng datung para maareglo ang kaso.
At least, tapos na ang problema ni Andrew. Wala na siyang robbery case. Hindi na siya magdurusa sa pagpunta sa Boracay para sa hearing ng kaso na naareglo.
* * *
Hindi natuloy ang panonood ko ng Slumdog Millionaire noong Sabado dahil gagahulin ako sa oras.
Kung itinuloy ko ang panonood ng sine, siguradong na-late ako sa meeting namin ni Mikaela Bilbao sa Edsa Shangri-la Hotel.
Nag-ikot-ikot na lang ako sa Shangri-la Mall bago ako nagpunta sa Heat Restaurant. Hanggang window shopping lang ang drama ko dahil wala akong naisip na bilhin.
* * *
Bagets pa pala si Mikaela na sikat ngayon dahil pinupuntahan ng mga artista ang kanyang beauty clinic. Malapit nang magbukas ang branch ng Mikaela na malapit sa ABS-CBN sa Sgt. Esguerra St.
May anak na lalake si Mikaela. Type ng bagets na maging artista na hindi kataka-taka dahil apo siya ni Papa Eddie Garcia. Hindi puwedeng i-deny na apo ni Papa Eddie ang bagets dahil kamukhang-kamukha niya.
Ikinuwento sa akin ni Mikaela na ang kanyang anak ang gustung-gusto na mag-artista. Wala raw nag-influence sa bagets dahil talagang umiiral sa dugo ng bata ang pagiging artista.
* * *
Malalaki ang plano ni Mikaela para sa kanyang beauty clinic. May balak sila na magtayo ng branch sa ibang bansa pero hindi ko muna sasabihin kung saan para hindi siya maunahan.
Sina Ruffa Gutierrez, Rufa Mae Quinto at Pops Fernandez ang mga celebrity endorser ng Mikaela. Type ni Mikaela na maging endorser ang isang sikat at kontrobersyal na Hollywood star pero sinabihan ko siya na pag-aralan ang kanyang plano. Baka hindi maka-relate ang mga Pinoy sa Hollywood actress na mahilig gumawa ng ingay.
* * *
I-share ko sa inyo ang kuwento ni Rickb59 tungkol sa concert ng Divas for Divas na pinanood nila ng kanyang pamilya sa Virginia, USA:
“Happy Easter! Greetings from the East Coast. Just to let you know that we enjoyed the recent Divas4Divas concert at Patriot Center in Fairfax VA. Sulit po ang binayad namin at pagod sa biyahe (200 miles one way from where we live) just to watch Kuh Ledesma, ZsaZsa Padilla, Pops Fernandez, Regine Velasquez and Martin Nievera gave their best.
Kudos to all of them for being accommodating also, during the autograph session after the 3 -hour show. Medyo may kamahalan lang ang tickets ($58, $78, $98, $128, $150). There crowd was decent, considering that the venue could accommodate 10,000 people. “
- Latest