^

PSN Showbiz

Dalawang istorya ng pag-asa

-

MANILA, Philippines - May mga taong dahil sa mga problema at sakit na nadarama’y nalulugmok at nakaiisip na kitlin ang sariling buhay. Pero ang mga tunay na Kristiyano’y nananalig na isang araw ay darating ang solusyon mula sa Maykapal.

Ngayong Easter Sunday ay dalawang istoryang hango sa tunay na buhay at punumpuno ng pag-asa ang isasadula sa Life and Style With Ricky Reyes sa QTV-11 alas-diyes hanggang alas-onse ng umaga. Produksyon ito ng Scripto Vision.

Tampok ang OFW na matapos mabuntis ng isang Hapon ay iniwan. Sa halip na magsiphayo’y umuwi siya ng bansa upang muling magsikap at palakihin ang anak. May umibig sa kanyang isang Pinoy na pinakasalan siya’t binigyan ng pangalan ang kanyang anak. Ngayo’y maligaya na si Rosemarie, ang OFW, dahil jeepney operator na silang mag-asawa at maligayang namumuhay. Ito ay sa segment na WE (Women Empowerment) hosted by Mayor Marides C. Fernando.

Sa Tesda Bida segment, may kwento ang isang ’di nakatapos ng kolehiyo na nahirapang maghanap ng trabaho ang isang lalaki na naging “tambay” o walang silbi. Pero nang maging scholar siya ng TESDA ay naging motorcycle mechanic at ngayo’y pinatutunayang isang masipag na padre de pamilya.

Bisita rin ng host-producer na si Mother Ricky Reyes sina Ryza Cenon ng Starstruck at Buddy Mercado ng KaBlog.


BUDDY MERCADO

LIFE AND STYLE WITH RICKY REYES

MARIDES C

NGAYONG EASTER SUNDAY

PERO

RICKY REYES

RYZA CENON

SCRIPTO VISION

TESDA BIDA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with