^

PSN Showbiz

Sangkot sa iskandalo sa Boracay mga 'di sikat

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Wala na namang malaking balita sa showbiz after ng Holy Week. Kung meron man noong Semana Santa, mga not so famous naman ang mga sangkot like Andrew Wolf na nabalitang nagnakaw ng baril pero naayos din naman, ang beauty queen na si Danielle Castaño, Binibining Pilipinas-World na balitang sinampal sa Boracay. Hindi sila gaanong kilala, kaya sandali lang ang kuwento tungkol sa kanila.

Pero nakakalungkot ang nangyari sa ina ng komedyanteng si Chokoleit na namatay sa sunog sa Davao noong Huwebes Santo. 

Anyway, napansin n’yo ba, hindi na gaanong tahimik ang Huwebes at Biyernes Santo. Kahit sa TV ang dami nang palabas kahit hindi cable channels. Marami na ring commercial hindi katulad noon na parang coverage lang ng Washing of the Feet at ng Seven Last Words ang mapapanood mo sa local channels. Pero ngayon, meron na ring ibang mga palabas na pelikula.

Kaya nga hindi na naiinip ‘yung mga hindi nagbakasyon sa probinsiya. Ang dami na ring pinagkakaabalahan sa panood ng TV pa lang.

* * *

Ang bongga rin nina moymoypalaboy, ang magkapatid na ginamit ang kanilang phone camera recording themselves lip-synching popular tunes at pagkatapos ay ini-upload sa Youtube, instant celebrities sila sa worldwide web. Ang duo na sina James Ronald a.k.a Moymoy at Roadfill (hindi raw siya palaboy) ay pinanood hindi lang ng mga Pinoy kundi ng maraming nationalities – mula Mexico hanggang UK, from Colombia to US and Canada, their Youtube views have so far reached more than 32 million hits. Yup, ganun na karami na nagsimula lang naman nilang i-upload kamakailan.

Pero hindi lang naman pala lip synching ang kaya nilang gawin. In fact, they sing as well kasama ang kanilang banda at nakapag-perform na sila sa various concerts and corporate gigs. Ngayon, mas marami pang puwedeng makarinig sa boses nila dahil meron na silang album entitled Uploaded under Sony Music Entertainment.

Nakakaaliw ang siyam na tracks sa nasabing album na parang yung napanood natin sa YouTube – same energy, spunk and vibe na kilala ang magkapatid.

Currently, malakas na sa radio stations ang song ng adapted sa melody ng Lumayo Ka Man Sa Akin ni Rodel Naval with lyrics of a popular rock track ng Laklak ng grupong Teeth. Yup, sila ‘yun kung nagwo-wonder kayo kung sinong kumakanta noon na ang title ay Lumayo Ka Man Sa Laklak. Pero kung iniisip na ninyong funny yun, mas nakakaaliw ang Rugby Boy, the duo’s take on Aqua’s Barbie Girl o ang version nila ng 80’s hit na Brother Louie.

Nagsulat din sila ng sariling kanta. Sila ang gumawa ng Ang Angit Mo, FTW, Chorizo at Who Are You Mumoy.

“We are so excited with this album because we are finally bringing something new to our fans and we hope they will like it,” sabi nila.

Nabibili na ang Uploaded sa mga leading record stores.

ANDREW WOLF

ANG ANGIT MO

BARBIE GIRL

BINIBINING PILIPINAS-WORLD

BIYERNES SANTO

BROTHER LOUIE

DANIELLE CASTA

HOLY WEEK

PERO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with