^

PSN Showbiz

Indie films pasok sa Pinoy filmfest sa Hawaii

ABOUT SHOWBIZ - Nitz Miralles -

Dinalaw ni Carlene Aguilar si Dennis Trillo sa condo nito habang nagpapagaling after maoperahan sa tuhod. Isinama niya ang anak nilang si Calix dahil gustong makalaro ng aktor ang anak. Wala raw dumadalaw kay Dennis kaya sila na ni Calix ang bumisita.

Ipina-describe namin kay Carlene si Dennis at sabi nito, paika-ika at nagta-try maglakad. Baka dumalaw uli silang mag-ina bago pumunta sa Subic para dun mag-Holy Week. Naniniwala siyang gagaling agad ang aktor, basta nakapagpahinga lang.

Matagal ng walang kontrobersiya si Carlene at pasalamat ito na hindi masyadong lumaki ang isyung pagdedeklara niyang “I have my period” sa Showbiz Central. Na-turn-off ang ilang televiewers sa sinabi niya, pero sinagot lang daw niya ang tanong. Mas pangit daw kung sinabi niyang dinudugo siya. Harharhar!

Magkasundo sina Car­lene at Angelu de Leon na gumaga­nap na bestfriends sa Ang Babaeng Hinugot sa Aking Tadyang. Natawa ang huli sa inamin ni Carlene na akala niya noong una’y masungit ang actress, pero sobrang bait pala ito, parang ate niya at puwedeng mag­bigay ng advice sa kanya.

* * *

Ipinagmamalaki ni direk Maryo J. delos Reyes ang mga alaga niyang child actors, considered the best sa kanilang grupo at under sa kanyang Productions 56.

Kabilang dito sina Nash Aguas, Julio Pisk at Robert “Buboy” Villar na bida sa pelikulang Kamoteng Kahoy na kasama sa anim na pelikula ng Sine Direk Series na si Maryo rin ang director.

Matsa-challenge ang mga bagets dahil magagaling na artista ang makakasama nila gaya nina Ms. Gloria Romero, Yul Servo, Irma Adlawan, Gerald Madrid, Marissa Sanchez, Anton Bernardo, at Ana Capri. Nasa cast din ang child actress na si Sharlene San Pedro na mahusay ding umarte.

Ang iba pang batang alaga ni direk Maryo ay sina Jacob Rica na huling napanood sa Saan Darating ang Umaga at si Byron Ortile na kasama sa Gaano Kadalas ang Minsan?

 “They are now the best child actors in the country today, they will eventually become our best actors and stars of the future,” wika ni direk Maryo.

* * *

Napapanahon ang prayer ni Michelle Madrigal na sana’y hindi siya maapektuhan ng recession dahil may binabayaran siyang Fortuner. In fact, sa hinuhulugang sasakyan napupunta ang talent fee niya sa Zorro at kung may darating pang ibang trabaho, kakayanin niya para tuluyan niyang mabayaran ang sasakyan.

Nasa Boracay ngayon si Michelle kasama ang pamilya para roon mag-Holy Week. Gusto sana nito sa iba naman pumunta ngayong Semana Santa dahil lagi na lang silang nasa Boracay, pero nakapag-book na ang kapatid niyang si Ehra Madrigal at wala na siyang magawa.

Ipinagmalaki pala ni Michelle ang award nila ni Ehra na bigay ng Ginintuang Kabataan ng Guiguinto, Bulacan dahil role model na sila ng kanyang kapatid. Nagbiro itong next niyang aambisyunin ay magkaroon ng acting award.

* * *

Nakatanggap kami ng e-mail mula kay direk Ellen Marfil at ibinalitang may Filipino filmfest sa Hawaii mula April 10 hanggang April 19. Anim na indie films ang ipalalabas: 100, Endo, Ang Pagdadalaga ni Maximo Oliveros, Namets, Brutus at Boses.

Sa Doris Duke Theater sa Honolulu ang showing ng mga pelikula sa Filipino filmfest na tinawag na Daangsine. Kapag naging successful ito, posibleng gawing yearly ang filmfest na ang objective ay para mapanood ng mga Pinoy dito at sa ibang bansa ang mga ipinagmamalaking indie films.

Dagdag na balita ni direk Ellen, ipalalabas din ang Boses sa New York sponsored by the Assumption alumnae.

AKING TADYANG

ANA CAPRI

ANG BABAENG HINUGOT

ANG PAGDADALAGA

ANTON BERNARDO

BYRON ORTILE

CARLENE

CARLENE AGUILAR

HOLY WEEK

MARYO

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with