^

PSN Showbiz

Charlene marunong makisama

SHOWBIZ DRIBBLE - Salve V. Asis -

Touched naman ako kay Charlene (Gonzales-Muhlach). Kahit nasa Amerika at nagri-ready para sa kanyang pagpasok sa Harvard Business School, nagkaroon pa siya ng time na personal na tumawag para lang bumati ng happy birthday sa anak kong si Aries.

May reason na sana siyang hindi mag-greet pero nag-effort siya last Tuesday.

By this time, alam na ng lahat na nasa Harvard si Charlene para mag-aral ng Business Management Entrepreneurship.

Sabi nga ni Charlene sa previous interview, susunod siya sa matinding schedule dahil umaga hanggang gabi ang kanyang klase sa Business School ng Harvard.

She left last week at May 1 (her birthday) na siya babalik at para na rin asikasuhin ang kanyang kambal na papasok sa magkaibang eskuwelahan – si Atasha sa Brent School at si Andres sa International School.

FYI, kasama sa mga sikat na nakatapos sa Harvard Business School sina Michael Bloomberg, businessman and mayor of New York City; George W. Bush, 43rd president of the United States; H. John Heinz III, former US senator from Pennsylvania; Robert Kraft, owner of the New England Patriots and chair­man and CEO of the Kraft Group; at si Mitt Romney, former governor of Massachusetts.

Ang galing, malay natin baka after niyang mag-aral ay mag-decide na si Aga na magpulitika na matagal nang inaawitan ng kung anu-anong partido na kumandidato. Pero never siyang na-convince.

Anyway, going back sa ginawang effort ni Mrs. Muhlach. Kaya naman no wonder na maraming bilib sa misis ni Aga dahil sa kabaitan at husay ng pakikisama nito.

Kung sabagay, iilan lang sa showbiz ang sincere makisama at makipagkaibigan. Yun tipong kilala ka lang ’pag nasa presscon or ’pag nakita ka sa public places na tipong wala silang choice kundi mag-say ng hi.

Pero kakaiba ang mag-asawa pagdating sa ganyan. Mabuti silang kaibigan at may sincerity talaga.

* * *

Graded B ng Cinema Evaluation Board (CEB) ang T2 (Tenement 2) na ipapalabas sa Sabado de Gloria.

Puring-puri ng ilang CEB members si Mika dela Cruz, sister ni Angelika dela Cruz (na kakaanak lang at hindi pa nagpapapayat). Magaling ang bagets at may lalim ang acting.

Magaling din siyempre si Maricel Soriano sa pelikula na dinirek ni Chito Roño for Star Ci­nema.

* * *

Ka-join ang Pilipinas sa isa na namang malaki at prestigious international film festival — Pusan International Film Festival (PIFF) sa Korea na gaganapin sa October 8 hanggang October 16. Ang PIFF ang kino-consider na Cannes Film Festival ng Asya.

Ngayong taon, magsi-celebrate ng kanilang 14th anniversary ang PIFF with the Philippines as the country of honour. (“The focus of the PIFF is introducing new films and first-time directors, especially those from Asian countries.

Another notable feature is the appeal of the festival to young people, both in terms of the large youthful audience it attracts and through its efforts to develop and promote young talent. In 1999, the Pusan Promotion Plan was established to connect new directors to funding sources,” ayon sa Wikipedia).

Nakausap na ni Mr. Luigi Verzosa, special projects assistant of the Film Development Council of the Philippines (FDCP) at Ms. Digna Santiago, executive director of Philippine Film Export Services Office (PFESO) ang PIFF representative na si Ms. Cho Young-Jung na siyang titingin at mamimili ng 12 sa kabuuang 43 films na recommended ng FDCP for the retrospective portion (old films).

Ang executive programmer naman ng PIFF, Mr. Kim Ji Seok on the other hand, ang na-assign para mamili ng selection of new films.

Present din sa nasabing meeting ang representatives mula sa Cultural Center of the Philippines (CCP) na isa sa participating organizations sa naturang festival. (They are Ms. Vicky Belarmino, Ms. Tess Rances, Mr. Ed Cabagnot at CCP president Mr. Nestor Hardin)

 Since ang Philippines ang country of honour for the said event, magpapadala ang FDCP ng maraming delegation — producers and filmmakers. Kasama sa plano ng FDCP na pinamumunuan ni Mr. Jackie Atienza na magdala ng dalawang jeepneys for free ride during the festival sa Korea.

Pagkakataon na rin nga naman ito para makilala sa ibang bansa ang kultura natin – kaugnay na rin ng 60th anniversary of the Phil-Korean Diplomatic Relations.

Siyempre, pagkakataon na rin ito para sa mga Pinoy filmmakers na ipakita ang kanilang husay sa paggawa ng pelikula.

Sana lang, walang kadukhaan at kalaswaang kuwento sa indie film na mapipili para sumali sa PIFF.

* * *

Maging makabuluhan sana ang paggunita natin sa Mahal na Araw. Maalala sana ng karamihan na hindi lang basta bakasyon ang ganitong panahon.

BRENT SCHOOL

BUSINESS MANAGEMENT ENTREPRENEURSHIP

BUSINESS SCHOOL

CANNES FILM FESTIVAL

CENTER OF THE PHILIPPINES

CHARLENE

CHITO RO

CHO YOUNG-JUNG

HARVARD BUSINESS SCHOOL

PARA

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with