Chris Brown itinanggi ang pananakit kay Rihanna
LOS ANGELES (AP) – Nag-plead “not guilty” kahapon ang singer na si Chris Brown sa kasong pananakit sa kapwa niya mang-aawit at nobyang si Rihanna.
Mahina ang boses ng 19 anyos na R&B singer nang igiit niya sa korte na wala siyang kasalanan habang katabi ang abogado niyang si Mark Geragos. Nakaupo sa unahan ang kanyang luhaang ina.
Sinasabi naman ng abogado ni Rihanna na umaasa ang singer na magkakaroon ng plea deal o kasunduan bago pa man maisalang sa paglilitis ng korte ang kaso.
Idinagdag ng abogado na mas gusto ni Rihanna na matapos na agad ang kaso at handa itong magbigay ng testimonya sa korte kung kailangan.
Noong Marso, isinampa ng Los Angeles County Prosecutors sa korte ang kasong felony assault likely to cause great bodily injury and making criminal threats laban kay Brown.
Lumilitaw sa rekord ng korte na ang pangalan ng biktima ni Brown ay si Robyn F. Ang tunay na pangalan ni Rihanna ay Robyn Rihanna Fenty.
Maaaring masentensyahan si Brown ng limang taong pagkabilanggo kapag napatunayang nagkasala.
Kaugnay ng kaso, inihinto na ng mga sponsor ang pagtangkilik kay Brown at inihinto na ng ilang radio station ang pagpapatugtog sa kanyang mga kanta.
- Latest