MANILA, Philippines - Kasalukuyang nahaharap sa kasong kriminal ang actor-model na si Andrew Wolf. Ang rason: tinangay niya ang baril ng isang guwardiya sa D’Mall sa Boracay kamakalawa ng gabi.
Sinabi ni Boracay Police Chief Superintendent Arnold Ardiente na iginapos nina Wolf at ng kaibigan nitong si Jay Olle ang kamay ng security guard na si Rodulfo Norbe bago inagaw ng magkaibigan ang .38 kalibreng revolver nito.
Ayon sa report, iniwan nina Wolf at Olle si Norbe, 24 anyos, ng Roxas City, Capiz pagkatapos nilang tangayan ng baril.
Sinabi ni Ardiente na nadakip ng pulisya sina Wolf at Olle at nabawi ang baril ni Norbe pero nawawala na ang tatlong bala nito.
Kakasuhan ng robbery, illegal possession of firearms at forcible taking of property sa Kalibo Regional Trial Court sina Wolf at Olle.