^

PSN Showbiz

Yanggaw tadtad ng nominasyon sa Star Awards

-

MANILA, Philippines – Ipinagmamalaki ng Cinema One Ori­ginals ang makapanindig balahibong Yang­gaw sa panulat at direksiyon ni Ri­chard Somes na nagkamit ng anim na ma­lalaking nominasyon sa 25th PMPC Star Awards for Movies.

Ang mga nominasyong nakamit ng peli­kula ay best digital movie of the year, digital movie director of the year para kay Ri­chard, movie actor of the year para kay Ronnie Lazaro, supporting actress of the year para kay Tetchie Agbayani at digital movie cinematographer of the year para kina Hermann Claravall at Lyle Sacris.

Ang istorya ng pelikulang Yanggaw ay umiikot sa isang ordinaryong pamilya sa isang probinsiya na mayroong kakaibang kuwento – ang kanilang babaeng anak ay nagiging isang yanggaw o mas kilala sa salitang aswang.

Bago pa man makamit ang nasabing mga nominasyon sa Star Awards, nanguna na ang Yanggaw sa 2008 Cinema One Originals Digital Film Festival. Nanalo si Somes sa kategoryang best director, si Ronnie naman ang nagwagi, kasama si Mark Gil, para sa kate­goryang best actor. Si Tetchie naman ang naka­kuha ng best supporting actress at si Joel Torre naman para sa best supporting actor

Isa pang tagumpay na natanggap ng Yanggaw ay ang pagpapalabas ng pelikula sa Hong Kong International Film Festival na naganap kama­kailan lamang na may temang Celebrating Ex­cellence in Asian Cinema. Tumugma naman ang tema dahil ang pelikulang Yanggaw ay nagpa­pakita lamang ng galing ng mga Pinoy sa larangan ng paggawa ng mga pelikula.

Gaganapin ang kapana-panabik na Silver Year ng PMPC Star Awards sa Henry Lee Erwin Theater sa Ateneo de Manila University sa ika-28 ng Mayo, 7 p.m.

ASIAN CINEMA

CELEBRATING EX

CINEMA ONE ORI

CINEMA ONE ORIGINALS DIGITAL FILM FESTIVAL

HENRY LEE ERWIN THEATER

HERMANN CLARAVALL

HONG KONG INTERNATIONAL FILM FESTIVAL

SHY

STAR AWARDS

YANGGAW

  • Latest
Latest
Latest
abtest
Recommended
Are you sure you want to log out?
X
Login

Philstar.com is one of the most vibrant, opinionated, discerning communities of readers on cyberspace. With your meaningful insights, help shape the stories that can shape the country. Sign up now!

Get Updated:

Signup for the News Round now

FORGOT PASSWORD?
SIGN IN
or sign in with