Katrina nagkakabit ng spa gadgets sa katawan

Kung hindi lang daw kahiyaan, nais nang tumiwalag ng isang councilor wannabe na aktor sa kanyang kinaanibang partido. This is the first time that the actor is chasing a political dream despite lack of experience.

Ang problema raw kasi sa kanyang ticket ay ang mismong ‘‘poste’’ nito (yung kakandidato bilang mayor) na mahilig lang mag-OPM (Oh, Promise Me!) in terms of campaign funds. Alam naman daw ng lahat na hindi biro ang tumakbo kahit sa lokal na pamahalaan, kung saan tina­tayang payat ang limang milyong pisong alloted budget for a candidate in the city council.

Sayang, may promise pa naman ang aktor na ito na nagtapos sa isa sa mga reputable univer­sities ng bansa, bukod pa sa galing sa buena familia.

* * *

Categorically, hindi naman binansagang bakla per se ni Katrina Halili si Dr. Hayden Kho na min­san niyang nakarelasyon. ‘‘Pero ’di ba, may lalaki bang ganun na ikinukuwento yung supposedly private matters?’’ sey ni Kat.

But past is past, let the sleeping dogs lie, ’ika nga. This Lenten week, nasa Boracay ang sexy actress on a five-day vacation with friends. Sanrekwa raw ang tropa niyang bibitbitin sa naturang isla. ‘‘Hindi kasi ako sanay na isa o dala­wa lang ang kasama ko everytime nagba­bakasyon ako, kailangan marami para masaya,’’ rason ni Kat.

And did you know that the sexy actress is a ‘‘spa addict”? Sa katunayan, may isang milyon piso na ang nagagastos niya sa hindi pa fully constructed niyang spa sa bahay. Meron din silang itinayong bar ng kanyang business partner-friends equipped with spa, the first ever.

At ang the height ng kanyang penchant for this relaxing, refreshing activity ay ang pagdadala niya ng portable spa gadgets sa taping o shoot. Yun iyong mga ikinakabit lang daw sa katawan na puwedeng gawin inside her van during taping breaks.

* * *

Simula bukas (April 8) hanggang a-dose ngayong buwan isasagawa ang launch ng Aficionado Germany Perfume at Joel Cruz signatures sa Puerto Galera White Beach Resort. To promote Joel’s product line are two of its celebrity endorsers Erich Gonzales and Jayson Abalos.

Sa umaga, magkakaroon ng product demo at selling kung saan imumuwestra rin ito ng ilang professional models from USA, Belgium, Italy, Norway, Mexico, Japan, and China. Sa gabi naman ay bar-hopping with parlor games. Isa po ang Philippine Star (sister publication ng PSN) sa mga sponsors ng naturang event with no less than Gorgy Rula as publicist.

* * *

Personal: I wish to thank Willy ‘‘Shuck’’ Sy and Ronel Oxiano for allowing me to use as venue of my advance birthday party Tito Rom/Capital Restaurant located along Taft Avenue corner Libertad St., Pasay City. Ngayong araw po ang kaarawan ng inyong lingkod, thank God, I’m 47.

Show comments