Dahil madaling ma-in love Mark Anthony iniiwasan ni Iza

Kung kailan naman siya in demand bilang artista, tsaka pa parang walang buhay ang lovelife ni Iza Calzado.

“Ang ganda ng role ko bilang Nicole sa All About Eve. Hindi lang siya successful sa kanyang career, napaka-colorful pa ng kanyang lovelife.

“Hindi ko expected na magkakaro’n kami ng chemistry ni Mark (Anthony Fernandez). Pero, ang dami nang nagsasabi na bagay kami, bagay pa raw ang itsura namin. Physically, they say we look good together. Talaga?

“At the moment ‘di pa ako in love kay Kenneth (Mark’s role in the series), pero mai-in love rin ako sa kanya. Nakakakilig! Feeling nga ni Mark bumalik siya sa teenage romance,” say ni Iza.

Naiinggit naman siya sa serye at hindi kapareho ng experience niya sa totoong buhay.

“Ako, ‘di pa nangyayari ang ganitong romance sa tunay na buhay ko,” dagdag pa niya. “Hang­gang TV at movies na lamang ba ang lovelife ko? ‘Di ba pwedeng mag-request na mangyari rin ito sa totoong buhay ko?”

Napaka-gorgeous na raw ni Mark Anthony ngayon.

“’Di siya ganito kagwapo nun sa Impostora. Okay siyang kausap, pero hindi pa kami nagkakaro’n ng chance na mag-bonding. I heard madali siyang ma-in love sa kanyang ka-partner kaya siguro dumidistansya ako sa kanya out of concern. At siguro dahil married na rin siya,” anang magandang aktres na hindi kapani-paniwalang zero ang lovelife.

Tanggap ni Iza na mas makulay, mas mapaghamon ang character ni Erika kaysa kay Nicole sa All About Eve.

“Pero ito ang role na naibigay sa akin kaya pagbubitihan ko na lamang. I must admit limiting yung pagiging mabait ni Nicole. I wanted sana to do something out of the box. Pero hindi naman kimi si Nicole, she also fights back although at the end of the day, ipinapasa-Diyos na lamang niya ang lahat,” pagtatanggol ni Iza sa kanyang character na ginagampanan.

* * *

Si Lore Reyes ang unang direktor na nakatapos ng pelikula sa anim na pelikulang kasali sa Sine Direk Series, April 29-June 9, 2009, SM Cinemas. Dalawa pang pelikula - Kamoteng Kahoy  ni Maryo J. delos Reyes at Bente ni Mel Chionglo - ang magsisimula pa lamang ng shooting.

Mas maaga pa nga sanang nakatapos si Direk Lore kung hindi siya nagkaaberya sa schedule ng kanyang mga artistang sina Paolo Contis, Karylle, Maricel Laxa, Michael de Mesa, Gerard Pizarras, Jun Urbano, Joanne Quintas, Isabela de Leon, at Jake Vargas.

Wala naman siyang magagawa kundi ang maghintay dahil barya-barya lamang ang TF na maibibigay niya sa mga artista niya dahil maliit na budget lamang (P3M) ang ibinigay sa kanya ng mga producers ng Sine Direk Series, ang APT Entertainment at Directors Guild of the Philippines (DGPI).

Pati nga raw equipment ay naghanap siya ng mura na maaarkila at tumawag sa lima pang direktor na kasali sa Sine Direk Series at baka may mairekomenda sila. Kasama sina Joel Lamangan, Peque Gallaga, at Soxie Topacio.

Mapalad naman ang anim na direktor na kalahok sa serye dahil may mga malalaking artista na pumayag lumabas sa kanilang pelikula kahit honorarium lamang. May mga nagprisinta pa nga ng libreng serbisyo dahil gusto nila ang kanilang role.

Litsonero ang titulo ng movie ni Lore at nasa title role si Paolo, isang nagtapos ng culinary sa isang Swiss school. Napilitan itong iwan ang magandang trabaho sa Macau para pagbigyan ang paanyaya ng kanyang ina na makipag­diwang siya sa babang luksa ng kanyang ama.

Sa pagbabalik niya, hinamon siya ng isang tiyuhin na patunayan niyang kaya pa rin niyang, magluto ng lechon. Kapag nabigo siya mapipilitan siyang magtrabaho bilang isang assistant sa isang bakery sa loob ng isang taon.

Ang ganda ng premise, ‘di ba?

“Matagal ko nang gustong gumawa ng isang pelikula tungkol sa pagluluto. Habang ang maraming direktor ay abala sa kanilang mga computers, ako naman sa aking pagluluto,” kwento ni direk Lore na nagsabing ilan sa mga aktor na inalok niyang lumabas sa title role ng Litsonero ay sina Richard Gutierrez, Dennis Trillo, at Jomari Yllana.

“Pero sabi ko nga, may problema sa schedule nila. Kaya si Paolo (Contis) ang nakakuha ng role,” paliwanag ng direktor.

* * *

Sa pangunguna ng Regional Network Group (RNG), ang ABS-CBN na ang opisyal na kabalikat ng Baguio Centennial Commission and Activasia para sa pagdiriwang ng ika-100 taon nito bilang chartered city.

Isa mga festivals na nilahukan ng ABS-CBN ay ang 100th year ng Panagbenga Festival.

Ilan sa nakalinyang activities ng centennial celebration ng Baguio ay ABS-CBN Kapamilya Karavan, Amazing Baguio-The Baguio Centennial Adventure Race, Grand Canao Festival, at ang unang-unang Electric Lights Festival na siyang maghuhudyat ng opisyal na pagtatapos ng selebrasyon.

Show comments