Album ni LT gold na!

MANILA, Philippines - Isang hot experience ang inihanda ng ASAP’09 para sa unang Linggo ng inyong Abril. Maiinit na production numbers ang inyong matutunghayan.

Tatanggap na ng kanyang gold-record award si Ms. Lorna Tolentino para sa kanyang Wings of the Soul album under Star Records.

Pakikiligin kayo ng hottest loveteams ngayon na sina Kim Chiu-Gerald Anderson, Carmen Soo-Jericho Rosales at Bea Alonzo-John Lloyd Cruz sa pamamagitan ng isang song number.

Pasisilipin kayo ng ASAP sa pinaka-aaba­ngang teleserye sa hapon, ang Kambal Sa Uma na pinagbibidahan nina Shaina Magdayao at Melissa Ricks.

 Handog naman sa inyo ng ASAP Sessio­nistas ang OPM’s most requested songs.

 Binansagang Superhero For All Seasons, ipagdiri­wang ni Luis Manzano ang kan­yang kaarawan kasama ang kanyang ASAP Family kasabay ang isang kakaibang pre­sentasyon.

Show comments