Joey may patutsada sa nagyayabang ng kayamanan

Absent si Joey de Leon sa Startalk kahapon pero nag-taping siya sa kanyang Komentirador bago siya nag-fly sa Amerika para sa show ng Eat Bulaga.

Binigkas ni Papa Joey sa Komentirador ang kanyang tula tungkol sa mga artista na ipinagyayabang ang kanilang mga mamahaling gamit at ari-arian.

Ewan ko lang kung may napa-ouch sa tula ni Papa Joey na punum-puno ng katotohanan. Kung sino ang napa-ouch, sila ang mga guilty dahil nasapol ng tula na nagkumpara sa kanila sa mga Hollywood star na never na ipinagyabang ang mga materyal na gamit. Sa totoo lang, hiram ang mga damit at alahas na ginagamit ng mga Hollywood star na dumadalo sa Oscar Awards.

Heto ang bahagi ng tula ni Papa Joey para sa mga kapakanan ng hindi nakapanood sa Startalk kahapon:

Hindi kusang sasabihin

Kung hindi sila tatanungin at kukulitin

Karaniwan pa nga damit at mga nakabiting alahas

Hiram at arkila mandin

Pinamomodelo lang at walang gastusin

Pag natuwa, designer puwedeng i-give na rin

 

Oo nga’t datung nila gamit sa spending

Pero di ba dapat tayo’y medyo mahinhin

Bakit sino ba pinagyayabangan natin

Kung hindi ang mas maraming poor na following

 

May Louis Vuitton at Prada,

Chanel at Hermes

May maraming sasakyan, Ferrari at Mercedes

Meron pa ngang may yate

Alahas at houses

Sana lang you know how to spell yate sa Ingles

 

Ang yaman natin Oo nga’t dapat enjoyin

Meron pang mas cute

Kung ibabahagi natin

Ang yaman natin bakit kaya kailanganin ipagsigawan,

I-diyaryo at gawing news item

Pagpapakumbaba ang kailangan natin

Sa panahong marami ang walang makain

Gara’t ganda ng mga abubot mo darling

Bakit hindi mo na lang hayaang mapansin

Kahit ano’y hindi ipinangangalandakan

Kahit ano man yan at kahit kabutihan

Paghanga sa kapwa

Di nga dapat abangan

Mahalaga’y hangaan noong

Noong nasa ulunan natin.

* * *

Nagsalita na ng tapos si Alma Moreno, hindi siya kakandidato na mayor ng Parañaque City sa eleksyon sa susunod na taon.

Ang sey ni Ness, konsehal pa rin siya dahil mabait si Mayor Bernabe, ang alkalde ng Parañaque na ka-party niya. Ka-party daw o.

Nasa Pa­raña­que si Alma nang main­terbyu namin kahapon sa Star­talk. Magka­hi­walay sila ng kan­yang asa­wang si Mayor Fa­had Salic dahil naka­pirmi ito sa Mara­wi City.

Ikinuwento ni Alma na madalas na hindi sila nag­kikita ng kan­yang bagong mister dahil priority nila ang mga trabaho. Kailangan si Mayor Salic sa Marawi City at maraming trabaho si Ness sa Paranaque City.

Nag-promise si Ness na ipapakilala niya sa akin si Mayor Salic. Kailangang magkakilala kami ni Mayor para mabigyan niya ako ng mga perlas. Magaganda ang perlas sa Marawi City ‘noh!

* * *

Malapit na uling maging lola uli si Alma dahil magkakaroon na ng anak sina Van­dolph at Jenny Solimao.

Lalake ang magiging apo ni Alma na nangako na susuportahan niya ang mag-asawa. Pinayuhan ni Alma ang kanyang anak at manugang na magma­halan at mag­kaintindihan,

Siyempre, hindi niya nakalimutan na paala­lahanan si Vandolph na huwag masyadong ma­i­nit ang ulo at huwag seloso.

Sure ako na namana ni Vandolph ang pa­giging seloso sa kanyang ina dahil napaka­se­losa noon ni Alma. Puwedeng nabawasan na ang pagiging selosa ni Ness dahil nag-mature na siya.

Show comments