Buhay ni Gretchen nag-uumpisa pa lang

Sa gulang na 39, parang ngayon lang nagsisimula ang buhay ni Gretchen Barretto.

Sa kanyang edad ngayon, inamin ni Gretchen na maraming ulit na siyang nasaktan.

“Walang problema sa akin, bahagi ito ng buhay at kahit ilang ulit akong madapa, tatayo at tatayo akong muli,” pagmamalaki ng isa na marahil sa pinaka-kontrobersyal at pinaka-magandang figure na nakita sa local entertainment industry.

Walang linaw na makukuha kay Gretchen tungkol sa kanyang pribadong buhay. She still talks fondly about Tony Boy Cojuangco kahit pa marami nang usap-usapan na wala na sila at mayro’n nang bagong lalaki sa kanyang buhay.

“Sa akin na lang ito hindi ako komportable na pag-usapan ang bahaging ito ng aking buhay na may ibang involved. May masasaktang iba. Ako na lamang ang masaktan, huwag na sila,” pakiusap niya. At dahil mahal siya ng maramng press dahil generous siya sa maraming facts sa kanyang buhay, her request is granted.

Laging isa sa pinakamakulay na persona sa showbiz si La Greta. Anumang pag-iwas ang gawin niya, susundan at susundan siya ng intriga, gulo at kontrobersya.

“Bahagi ito ng buhay ko bilang isang artista gaano ko man pilit na itago ang buhay ko sa publiko, nalalaman at nalalaman ito ng publiko. Marami rito ang hindi ko naman sinagot o binigyan linaw, marami rito ang hindi totoo pero tinanggap pa ring totoo ng maraming tao. Anong magagawa ko? Ang pinakamaliit na pangyayari sa buhay ko ay napalalaki, nabibigyan kulay. I guess this is the price for being in the public eye,” katwiran ng magandang artista na meron na namang pino-promote na album, ang pangalawa niya sa Star Records   na pinamagatang Complicated na hinuhulaang lalagpasan ang tinamong tagumpay ng unang album na pinamagatang Unexpected na nag-platinum na.

* * *

Ipinagmamalaki ng Cinema One Originals na ang makapanindig balahibong Yanggaw sa panulat at direksiyon ni Richard Somes ay nagkamit ng anim na malalaking nominasyon sa 25th PMPC Star Awards for Movies: Best Digital Movie of the Year, Digital Movie Director of the Year para kay Richard Somes, Movie Actor of the Year para kay Ronnie Lazaro, Supporting Actress of the Year para kay Tetchie Agbayani at Digital Movie Cinematographer of the Year para kay Hermann Claravall at Lyle Sacris. Tungkol ito sa isang ordinaryong pamilya sa isang probinsiya na mayroong kakaibang kuwento – ang kanilang babaeng anak ay nagiging isang “Yanggaw” o mas kilala sa katagalugan bilang aswang. Bago pa man makamit ang nasabing mga nominasyon sa Star Awards, nanguna na ang Yanggaw sa 2008 Cinema One Originals Digital Film Festival. Nanalo si Somes sa kategoryang Best Director, si Ronnie Lazaro naman ang nagwagi, kasama si Mark Gil, para sa kategoryang Best Actor. Si Tetchie Agbayani naman ang nakakuha ng Best Supporting Actress at si Joel Torre naman para sa Best Supporting Actor.

Isa pang tagumpay na natanggap ng Yanggaw ay ang pagpapalabas ng pelikula sa Hongkong International Film Festival na naganap kamakailan lamang na may temang, Celebrating Excellence in Asian Cinema. Tumugma naman ang tema dahil ang pelikulang Yanggaw ay nagpapakita lamang ng galing ng mga Pinoy sa larangan ng paggawa ng mga pelikula.

Gaganapin ang kapanapanabik na Silver Year ng PMPC Star Awards sa Henry Lee Erwin Theater sa Ateneo de Manila University sa ika-28 ng Mayo, 7:00pm.

* * *

Ipagdiriwang ng College of Business and Arts High School Batch 89 ang kanilang Alumni Homecoming sa Abril 25,Sabado, 4NH sa school grounds. Unang pagkikita-kita ito ng Batch 89 na tinawag nilang U&I sa Alumni, Batch 89 sa 2009 makaraang magtapos sila. Special awards, exciting raffle prizes at souvenir items ay ipamimigay. Para sa karagdagang impormasyon   please contact the Executive Committee Chairman, Atty. Gary Sancio (09178508937; [02] 7249445); Finance Committee Head, Ms. Lotis Mendiola-Roque (09173452846; [02] 2954772); or Section Coordinator, Mr. Mauro Medina (09273122074; [02]2861527) or visit www.ncbataytayhs89.synthasite.com or www.groups.yahoo.com/group/ncbataytayhs89.

* * *

Isa pa rin ang Your Song Presents Underage sa mga high-rating na programa tuwing Sabado sa ABS-CBN.

Sa susunod na episode, aaminin na ni Cecilia (Empress Schuck) ang kanyang tunay na nararamdaman sa kanyang teacher na si David (Rafael Rosell) ngunit isang ebidensya ang makukuha ng ibang estudyante sa paaralan na maaring ika-sira ng dalawa. Si Celina (Melissa Ricks) naman ay iimbitahan ni Migs (Matt Evans) sa anniversary party ng kanyang parents. Sa kabilang dako, sasabihin ni Corazon (Lauren Young) na gay si Gary.

Show comments