Album ni Jan may istilong Alcasid

MANILA, Philippines - Inilunsad nitong Marso 29 sa SOP ang bagong album ni Jan Nieto na tiyak na hahaplos sa puso ng mga mahihilig sa light pop songs at ballad na merong OPM touch.

Self-titled ang album ni Jan na binubuo ng mga awiting likha ng professional sa industriya ng musika at ng ilang baguhan.  

Puro orihinal ang mga awitin dito ni Jan na sumunod sa payo ng singer at kompositor na si Ogie Alcasid.

Ang career single ng album ni Jan na Bakit Kailangan Pang Lumayo ay komposisyon ni Ogie Alcasid. Taglay nito ang istilong Alcasid sa melody at lyric at ang sensitibong istilo ni Jan sa pag-awit. Ito rin ang theme song ng lalabas na bagong pelikulang Marino. Malimit din itong patugtugin sa mga top rating radio station sa Metro Manila. Kasama rin dito ang isa pang kanta ni Alcasid na Sa Puso Ko na isang album cut ng naunang album na A Better Man ng singer-songwriter.

Iba pang kasama sa album ang mga komposisyon ng mga industry professional tulad ng Sana Naman ng multi-awarded musical director na si Von de Guzman, Is There A way ng musical arranger na si Gino Cruz, at Galing ng Ginang na alay para sa mga ina ng commercial composer at arranger na si Roy del Valle. Isinulat naman ni Director Joven Tan ang Sangandaan na theme song ng pelikulang Paupahan.

Ilan pa sa mga awitin sa unang album na ito ni Jan ay likha ng mga naging kaibigan niya sa Philippine Idol na sina Pow Chavez, Devastated; Ken Dingle, Holding On; at Miguel Mendoza, Together

Sumuporta naman bilang vocal sina Harry Santos, Bryan Termulo at Gian Magdangal. 

Isa ring regular ng SOP si Jan. Ang album niyang ito ay inilabas ng IndiMusic at ipinamahagi ng Universal Records.

Kaugnay nito, magkakaroon si Jan ng serye ng mga mall tour sa Luzon- Abril 4, SM Bacoor; Abril 17, SM Clark; April 18, SM-San Fernando; April 19, SM-Manila; April 25, SM-Baliwag; April 26, SM-Marilao; May 3, SM-Molino; May 8, SM-Baguio; May 9, SM-Rosales; May 10, SM-Lipa; May 16, SM-Batangas; May 17, SM-San Lazaro; at May 29, SM-Fairview.   

Show comments