Sa item namin kay Gabby Concepcion sa cameo role niya sa movie nina AiAi delas Alas at Sharon Cuneta, nagtanong kami kung hindi ba magkakaproblema ang aktor na lumabas sa Star Cinema movie dahil ang alam namin, may kontrata siya sa GMA Films at dapat, sa nasabing movie outfit ang comeback movie niya.
May nakabasa ng item na yun, tumawag sa amin at ibinalitang hindi magiging isyu sa GMA Films ang guesting ni Gabby sa AiAi-Sharon movie dahil pinawalang-bisa na ng film company ang kontrata ng aktor.
In fact, isinoli ni Gabby ang talent fee niya dapat sa ITALY, kaya puwede na siyang gumawa ng pelikula sa ibang movie company. Ang maganda, walang bad blood sa kanila ni Annette Gozon-Abrogar at who knows, baka matuloy din siyang gumawa ng pelikula sa GMA Films isa sa mga araw na ito?
* * *
Kaya na bang magsayaw ni Jennylyn Mercado, lalo’t sayaw na mala-Beyoncé at Britney Spears pagkatapos magkaroon ng folliculitis (impeksiyon) na malapit sa kanyang caesarian operation? Kaya namin ito naitanong dahil sa press release na ipinadala sa amin para sa kanyang two-night birthday concert sa Music Museum, gagayahin niya ang sayaw ng dalawa na alam natin kung gaano kalikot at kung paano mayugyog ang katawan.
Billed I Am Woman ang birthday concert ni Jennylyn sa May 14 and 16, produced ng Eagle Eye Entertainment Productions at JLC Entertainment and directed by Calvin Neria. Musical declaration daw ng independence ni Jennylyn ang concert at pagharap sa kinabukasan with her son at simula nang pagbabalik niya sa pagkanta.
Guests ni Jennylyn sina Ogie Alcasid, Christian Bautista, Richard Poon, Gemma at Jasmine Fitzgerald at Janno Gibbs. Front act ang upcoming singer na si Nico Antonio at may dance number sila ni Mark Herras at susundan ng isang duet.
Pasasalamat din ni Jennylyn ang concert sa fans na patuloy na sumusuporta sa kanya at sa love team nila ni Mark. Ang mataas na rating ng Paano Ba ang Magmahal? ang patunay na marami pa rin silang followers.
* * *
Marami ang naiinggit sa TV reporter ng ABS-CBN na si Gretchen Pulido dahil sa maraming magagandang dalagang nakilala ng international singer na si Craig David, siya ang natipuhan. Nasulat ni Ricky Lo sa column niya sa Philippine Star na tinamaan si David kay Gretchen nang magkita sa The Embassy at sabay pa raw umuwi.
Nalaman naman namin kay Mario Dumaual na niyaya ni David si Gretchen na sumama o sumunod sa kanya sa Japan ang dalaga. Brokenhearted siguro ang singer dahil hindi siya sinunod ni Gretchen dahil may trabaho siya rito.
Abangan natin ang mga susunod na mangyayari kina David at Gretchen at mukhang patuloy ang kanilang communication. (Baka naman ateng na-misenterpret lang ang pagiging mabait ni Craig dahil alam niyang reporter si Gretchen. Hehehe. - SVA)