Aljur di nagpa-function pag kulang sa tulog

Dumating na ang panahon ni Aljur Abrenica. Bagaman at matagal na siyang nagtatamasa ng popularidad bilang isang matineee idol makatapos siyang manalo sa Starstruck, ngayon ay unti unti na siyang tinatanggap bilang aktor.

Hindi naman inaasa ng batang aktor sa suwerte ang kanyang kapalaran bilang artista. Ang kanyang good looks ay tinambalan niya ng talento, hindi lamang sa pag-arte kundi maging sa pagsasayaw, pagkanta at paggigitara. Sa Dapat Ka Bang Mahalin, nakita na malaki ang potensyal niyang maging isang malaking aktor, hindi lamang sa pangalan kundi maging sa talento.

Bagaman at parang napaka-mature ng mga roles nila sa panghapong serye, both tackled their roles as true professionals.

Isa pa ring proof ng kasikatan ng isang artista ay ang pagdami ng kanyang endorsements. Aljur has just been hired by Travelpros para i-promote ang Beauty Holidays Plus promo nito.

Endorser na rin si Aljur ng BNY, Cotton Club undergarments, Skechers shoes & time at, L’Oreal.

May bisyo si Aljur, mahilig siyang matulog. Ngayon daw sa rami ng kanyang ginagawa, sasandali na lamang siyang makatulog.

“Kailangan ko ng 12 hours sleep for me to function well pero suwerte na kung kalahati man nito ay ma-enjoy ko sa pagtulog.

“Mahilig din akong mag-videoke with friends pero maski ito, di ko na rin magawa,” sabi niya.

Pero hindi nagrerekamo si Aljur. Alam niyang kapalit ito ng tagumpay na tinatamasa niya.

“Higit pa rito ang gagawin ko. Napaka-bait ng kapalaran sa akin, hindi lahat nabibigyan ng ganito kagandang trabaho at buhay. Kaya nagpapasalamat ako, una sa Diyos at pangalawa sa GMA 7 for the opportunity at sa mga fans,” pagtatapos niya.

Oo naman, hindi lahat dinaratnan ng suwerte na tulad niya. Tama lamang na magpasalamat siya at magtrabaho ng mabuti. Dapat ding mag-isip pa siya ng paraan para ma-improve ang craft niya. Iwasan lang niyang masabit sa mga gulo, intriga at kontrobersya.

* * *

Kahit isa lamang siya sa tatlong kapareha ni Richard Gutierrez sa Zorro ay masaya na si Michelle Madrigal. At least, lead ang role niya.

Wise si Michelle, at least palagi nga naman siyang may work, hindi nababakante. At totoong appreciated niya ang role niya. Kahit wala siyang driver, siya mismo ang nagda-drive sa sarili niya papuntang taping nila sa Bagac, Bataan. Monday ang trabaho niya pero, Sunday pa lamang ay dumarating na siya sa set. Hindi nga naman siya nagagahol sa oras at nakakapag-pahinga pa siya bago sumabak sa work. Sana lahat ng stars, may attitude na tulad ng alagang ito ni Annabelle Rama.

* * *

Ang bait naman ng GMA kay Eddie Gutierrez.Dahil kagagaling lamang nito sa isang malubhang karamdaman kung kaya inuuna ang mga eksena niya sa Zorro para matapos siya’t makapagpahinga agad. Nakakatulong din para sa mabilis niyang paglakas ang napaka-gandang lokasyon nila sa Bataan.

Isa si Eddie sa mga beteranong aktor natin na habang nagkakaedad ay lalong gumagaling na artista. At maswerte siya dahil magagandang roles pa rin ang nagagampanan niya.

Show comments