Annabelle magko-kontra demanda

Hindi lamang pala si Annabelle Rama ang magdedemanda sa PEP kapag hindi nito sasabihin na walang insidente na nag-away sina Richard Gutierrez at Michael Flores at lalong hindi nagkatutukan ng baril ang dalawa.

Bukod kay Bisaya, nagpaplano rin daw na magsampa ng demanda si Richard Gutierrez dahil nakakasira sa reputasyon niya ang balita na puwede raw makaapekto sa kanyang mga TV show, pelikula at mga endorsement.

Hindi raw kaagad magsasampa ng demanda ang mag-ina. Magpapadala muna ng sulat sa PEP ang kanilang abogado. Bibigyan ang PEP ng sampung araw para linisin ang name ni Richard or else, tuloy ang kaso.

Eh mukhang hindi matitinag si Jo-Ann Maglipon na nagsalita na rin na kung idedemanda ang PEP, ipapaubaya na niya sa abogado ang kaso. Si Mama Jo-Ann ang editor-in-chief ng PEP.

* * *

Seven million pesos ang halaga ng demanda ni Wilma Galvante laban kay Annabelle Rama.

Nakita kahapon si Bisaya sa Branch 95 ng Quezon City Regional Trial Court dahil nag-file siya ng something sa korte. Narinig ko rin ang balita na nag-inhibit ang judge na may hawak ng kaso dahil friend nito ang asawa ng lawyer ni Mama Wilma.

Nainterbyu ng mga reporter si Annabelle pagkatapos nitong mag-file ng urgent omnibus motion.

Sinabi ni Bisaya na babalik siya ngayong hapon sa korte dahil siya naman ang magsasampa ng kaso laban kay Mama Wilma. Hindi sinabi ni Bisaya ang halaga ng kanyang demanda pero malaking-malaki raw at kabilang si JC de Vera sa kanyang mga witness porke nagsimula ang away nila ni Mama Wilma dahil sa isyu ng renewal ng kontrata ng alaga niya.

Holy Week na pero alive na alive ang showbiz dahil sa mga isyu na parehong kinasasangkutan ni Annabelle at ng kanyang mga anak.

Ngayon ang alis ni Richard papunta sa New York dahil sila ni Rhian Ramos ang mga guest sa show ng Eat Bulaga sa Atlantic City.

Kung idedemanda ni Richard ang PEP, malamang na mangyari ito kapag bumalik na siya mula sa New York.

Makakatulong kay Richard ang US trip para sandali niyang makalimutan ang mga nakakalokang isyu sa showbiz.

Excited si Rhian sa US trip nila ni Richard dahil first time niya na makakapunta sa Amerika.

* * *

Sumulat sa akin ang reader na si RE. Ayaw ipabanggit ni RE ang kanyang buong pangalan dahil nahihiya raw siya.

First time ni RE na magpadala ng sulat sa isang entertainment columnist at honored ako dahil ako ang napili niya, wa kiyems. Read n’yo ang kanyang sulat:

“Isang mapagpalang araw ang aking bati sa iyo at sa iyong pamilya. This would be the very first time that I’ve wrote an e-mail to a very important figure in Philippine Entertainment press.

“Pasensya na po may daily subscription po kami ng Pilipino Star Ngayon, and luckily I am always updated with our local showbiz scene because of your column.

“Bago po lumayo, uumpisahan ko na po ang dahilan kung bakit ko po kayo kinontak. There was an item that I bought and won at the International online auction, This item is the first record of the Star for All Seasons, Vilma Santos, Sixteen. The seller (who were based at the USA) described the item as follows: VILMA SANTOS Odd Pre-teen Filipino Girl 60’s Pop Hear! Rare album from this Filipino film star - condition is rough but pressing is strong and album plays through quite well. Mix of styles here but most is beat-influenced go-go organ pop. I’m a fan of the tender ballads, especially the track below. Title is Sixteen and this was produced by the Wilear’s Record label circa mid 60’s.

Condition cover: Fair (tears on cover, writing back cover). Disc: Fair (but plays strong VG).

There is no contest that the said album is a rare gem of OPM. I just placed my bid, out of curiousity and luckily I’ve got it.

As the seller described the condition, it has tears on cover and writings at the back. I paid for it, and the item arrived. To my surprise, the writing that the seller describes, is allegedly a handwriting of Ms. Vilma Santos and a dedication to Doc Perez (sa aking pagkakaalam, Doc Perez is the patriarch of Sam­paguita Pictures, who also produced Vilma Santos’ first film Trudis Liit).

So, ang album na nabili ko, ay minsang pag-aari ni Doc Perez. But there is no authenticity regarding the handwriting except Trudis Liit herself.

Here I go, asking for your help. Kung mapag­bibigyan lang po. Wala po kasi akong direct contact to the Governor. Kung maari po, nais ko lang ma­laman, the story behind the handwriting at the back of the album, the authenticity and the likes.

Maybe, it is a piece of a lost memorabilla. Attached herewith are pictures of the record and the hand­ writing of the governor.

Thank you po. Regards and hope that there will be an answer to my query.

* * *

Maraming Vilmanians ang nagbabasa ng PSN kaya sigurado ako na makakarating kay Governor   Vi ang inquiry ni RE.

Kung true na original ang record album na nabili ni RE sa Internet, collectors item ang album na nasa pag-iingat niya. Baka nga maging interesado pa si Vilma na bilhin mula kay RE ang lumang album na nakarating pa sa Amerika.

Show comments